Mga pekeng engkwentro, inilantad

,

Pinasinungalingan ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mga engkwentro sa pagitan nito at ng hukbong bayan sa nagdaang mga linggo. Sa mga gawa-gawang enkwentro, naglustay ng pondo ang mga sundalo sa harap ng matinding krisis sa ekonomyang dinaranas ngayon ng masang Pilipino.

Sa Camarines Sur, inilantad ng BHB-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command) na huwad ang balitang engkwentro sa Barangay Pararao, Balatan noong Abril 9. Ang totoo, 30 minutong walang patumanggang nagpaputok ang mga sundalo at gumamit pa ng dalawang helikopter.

Sa Negros Occidental, hindi engkwentro sa pagitan ng 79th IB at BHB-Northern Negros (Roselyn Jean Pelle Command) ang naganap kundi palabas na engkwentro gamit ang sariling mga yunit ng militar noong Abril 16 sa Barangay Minautok, Calatrava. Sa sariling kainutilan, isa sa mga sundalo nito ang nasugatan sa palabas. Kasunod ng pangyayari, ibinaling ng 79th IB ang galit nito sa mga residente sa komunidad at idinetine sila nang ilang oras kabilang ang mga menor-de-edad at bata.

Mga pekeng engkwentro, inilantad