Ipinahayag ng mga magsasaka sa Ilocos Norte ang kanilang pagbatikos sa “world-class na kainutilan at kapabayaan” ng rehimeng Marcos sa harap ng malawakang pinsalang dulot ng Bagyong Julian noong Oktubre 2. Bumabangon pa lamang ang prubinsya mula sa sunud-sunod na epekto ng El Niño at mga nakaraang sakuna, kabilang ang pagbaha mula sa Bagyong Carina […]
Ang mga kandidato sa pagkasenador na inendorso ni Marcos—ang tinagurian niyang Alyansa ng Bagong Pilipinas—ay isang alyansa ng malalaking burukratang kapitalista at mga opportunista sa pulitika, na kumakatawan sa luma at bulok na naghaharing sistema. Kinakatawan ng mga napiling kandidato ni Marcos ang mga dinastiyang pampulitika at ang pinakamasasahol na aspeto ng reaksyunaryong estado. Ang “alyansa” ni Marcos, tulad ng kanyang “uni-team,” ay nagkakaisa lamang sa magkakapareho nilang pansariling interes na makibahagi sa yamang kinamkam sa katiwalian at pribilehiyo. Ang […]
Mariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang kamakailang walang-piling pag-atake ng Zionistang Israel sa Lebanon, na gumamit ng libu-libong pager at walkie-talkie na ginawang bomba sa pamamagitan ng paglalagay dito ng mga eksplosibo na sabay-sabay na pinasabog mula sa malayo. Isinagawa ang mga pag-atake noong Setyembre 17 at 18, na ikinamatay ng higit […]
Nasa ibaba ang sagot ko sa mga tanong ni Andres Silang, isang kasapi ng Kabataang Makabayan, tungkol sa napapanahong mga usaping internasyunal at lokal. a) Ano ang tindig ng PKP-MLM sa Chinese Reunification sa pagitan ng Taiwan at China? Ito ba ay para sa reunification o pagsunod sa One China Policy? Paano ito nagbago, kung […]
Malinaw na malinaw na kagyat ang pangangailangan na muling ituloy ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Ito ay dahil ang mga suliraning panlipunan at pang-ekonomya at pampulitikang panunupil na nagbubunsod ng digmaang sibil ay patuloy na lumalala sa ilalim ng […]
Ang isang linggo nang operasyon sa Davao City ng hindi bababa sa 2,000 tauhan ng pulisya na dinagdagan pa ng apat na kumpanya ng mga sundalo ng Army, sa ngayon, ay bigong arestuhin ang wanted na puganteng si Apollo Quiboloy. Si Quiboloy, na pinaghahanap dahil sa sex-trafficking at pang-aabuso sa kababaihan at mga bata, ay […]
Kailangang mahigpit na tutulan ng sambayanang Pilipino ang plano ng rehimeng US-Marcos na ipa-escort o magpasama sa mga sasakyang pandagat ng US ang pagpapatrulyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ang ganitong mga plano ay ilang ulit na nagtataas ng panganib ng pagsiklab ng armadong salpukan ng US at China, kung saan ang Pilipinas […]
Sa harap ng pagtatangkang ibaon sa limot at kasinungalingan ang mga krimen ng diktadurang Marcos, mahalagang patuloy na sariwain, ipaalala at balik-balikan ang malagim na mga gunita ng 14-taong paghaharing militar ni Marcos Sr. Partikular sa mga kabataan, dapat masusing pag-aralan ang ating kasaysayan, itakwil ang pambabaluktot, ipangibabaw ang katotohanan at humalaw ng mga aral.