Ika-87 kaarawan ni Ka Joma, ipinagdiwang

,

Naglunsad ng mga atkibidad ang Jose Maria Sison Legacy Foundation (JMSLF) noong Pebrero bilang pagdiriwang sa sana’y ika-87 kaarawan ni Kasamang Jose Maria Sison noong Pebrero 8. Kasabay din nilang ginunita ang unang taon ng pagkakatatag ng foundation. Inilunsad ng grupo ang mga ito sa temang “Rejoice, Rectify, Remember: Commemorating the Life and Legacy of Jose Maria Sison.”

Noong Pebrero 8, nagkaroon ng pagpapalabas ng pelikulang The Guerilla is a Poet at pagtitipon at kainan sa kaarawan ni Ka Joma. Noong Pebrero 21, nagkaroon ng talakayan sa pamana ng First Quarter Storm kung saan nagsilbing tagapagsalita sina Julie de Lima, Siegfred Deduro, Boni Ilagan at Judy Taguiwalo. Noong Pebrero 28, nagsagawa ng espesyal na tour sa JMS Museum sa the Netherlands.

Dumalo sa mga aktibidad at pagtitipon ang mga kaibigan, kasama, mga aktibista ng iba’t ibang lokal na organisasyon at mga myembro ng komunidad na sumusuporta sa foundation. “Ang iba’t ibang henerasyon ng mga aktibista na nagsama-sama para sa mga aktibidad na ito ay nagpapakita ng matatag na impluwensya ng gabay ni Ka Joma,” pahayag ng JMSLF.

Ika-87 kaarawan ni Ka Joma, ipinagdiwang