Mga nakaunipormeng kriminal

,

Sa kabila ng mataas na sweldo at alawans, marami sa Philippine National Police ang imbwelto sa mga kriminal na aktibidad para sa suhol at pera. Gamit ang pasistang kapangyarihan, kinikikilan, ninanakawan at inaabuso ng mga pulis ang ordinaryong mamamayan.

Ayon mismo sa rekord ng PNP, higit 2,500 pulis ang tinanggal sa pwesto noong 2025 dahil sa pagkakasangkot nila sa bentahan ng iligal na droga. Noon namang Pebrero, pitong pulis ang nabunyag na nangikil sa isang residente ng Maynila kapalit ng pag-atras ng gawa-gawang kaso ng iligal na droga na isinampa laban sa kanya. Sa Angono, Rizal, 10 pulis ang nagtanim ng ebidensya, nambugbog, nagnakaw at nangikil sa isang estudyanteng inakusahan nilang sangkot sa bentahan ng iligal na droga. Dalawang buwan siyang iligal na ikinulong kahit nagbigay ng pera ang kanyang pamilya. Samantala, anim na pulis sa Makati ang nabunyag na sangkot sa serye ng mga pangingikil at pagnanakaw sa syudad.

Ang mga ito ay ilan lamang sa litaw na patunay ng likas na pasista at mapang-abusong karakter ng kapulisan. Patuloy na namamayagpag sa loob nito ang kultura ng kawalang pakundangan.

Mga nakaunipormeng kriminal