Hatol sa Talaingod 13, kriminalisasyon ng pagtatanggol sa mga karapatan ng Lumad
“Di makatarungan at di katanggap-tanggap” ang kumpirmasyon ng Court of Appeals (CA) sa hatol ng korte laban sa Talaingod 13, ayon sa mga grupong tagapagtanggol ng mga karapatan ng mga minorya, mga karapatang-tao, abugado at iba pa. Ang Talaingod 13 at hinatulan ng korte sa kasong “child abuse” noong Hulyo 15, 2024. Kinumpirma ang hatol na ito ng CA sa Cagayan de Oro noong Disyembre 16. Noong Enero 6, nagsampa ng moton for reconsideration sa CA ang Talaingod 13 para hamunin ang kumpirmasyong ito.
Ang Talaingod 13 ay mga myembro ng delegasyong sumaklolo sa mga guro at estudyanteng Lumad sa Talaingod, Davao del Norte noong Nobyembre 28, 2028. Binubuo ito nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, ACT Teachers Rep. France Castro, Ma. Eugenia Victoria Nolasco at siyam pang dating mga guro.
Ayon sa mga katutubo, ang hindi makatarungang desisyon laban sa Talaingod 13 ay direktang atake mismo sa kanila. Ito ay bahagi ng mas malawak na estratehiya ng estado na para patahimikin ang mga sumusuporta sa laban ng mga katutubo.
“Walang bata at walang magulang na nagreklamo. Walang pinsala na napatunayan, pero hinatulan ang mga guro,” ayon kay dating Rep. Eufemia Cullamat.