Pagbisita sa mga bilanggong pulitikal noong Disyembre

,

Malawakang inilunsad ng mga progresibong grupo ang kampanya ng pagbisita at pangangalap ng suporta para sa mga bilanggong pulitikal ng Pilipinas noong Disyembre 2025. Kumilos at nakibahagi sa kampanya ang mga tagapagtanggol ng karapatang-tao, kaanak ng mga bilanggong pulitikal, taong-simbahan, mga abugado, kabataan, kababaihan, manggagawa at mga grupong internasyunal.

Naiulat ang pagbisita sa mga bilangguan sa Northern Luzon, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Laguna, Metro Manila, Iloilo, Tacloban City, Butuan City, North Cotabato, at Davao City. Dinalhan ang mga bilanggong pulitikal ng mga pagkain, gamit pangkalinisan, gamot at mga sulat na nagpapahayag ng suporta sa kanilang pakikibaka para lumaya.

Mayroong halos 700 bilanggong pulitikal sa Pilipinas kung saan higit 160 ang inaresto sa panahon ng rehimeng Marcos. Kabilang dito ang hindi bababa sa 136 bilanggong babae, 93 matatanda at 89 na maysakit.

Pagbisita sa mga bilanggong pulitikal noong Disyembre