Operasyong haras ng BHB sa South Cotabato at Negros Oriental
Sa kamakailang ulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), nakapaglunsad ng operasyong haras ang mga yunit nito sa South Cotabato at Negros Oriental noong huling kwarto ng 2025.
Pinaputukan ng BHB-South Cotabato ang tropa ng 105th IB sa Sityo Kangko, Barangay Lamlahak, Lake Sebu, South Cotabato noong Disyembre 11, 2025 ng alas-12:50 ng madaling araw. Pitong buwan nang nagkakampo at nag-ooperasyon ang militar sa naturang barangay.
Sa Negros Oriental, kaagad na rumesponde at inatake ng BHB-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) ang tropa ng 62nd IB na walang patumanggang namaril sa isang sibilyan sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental noong Nobyembre 21, 2025. Ayon sa ulat, alas-10 ng umaga ay bigla na lamang pinagbabaril ng limang sundalo ng 62nd IB ang magsasakang si Rene Nellas sa Sityo Columbia habang nasa kanyang bukid. Ligtas na nakatakbo si Nellas.
Lingid sa kaalaman ng militar, mayroong yunit ng BHB-Central Negros malapit sa lugar. “Pagkarinig ng mga Pulang mandirigma sa putukan, kaagad silang nagmaniobra at hinaras ang limang tropa ng pasistang sundalo,” ayon kay Ka JB Regalado, tagpagsalita ng BHB-Central Negros.