PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
Patnubay sa Pagsusuri ng Kandidatong Kasapi Tungo sa
Pagiging Ganap na Kasapi
A. Kasaysayan ng Buhay at Pagkatao
1. Sabihin ang petsa ng iyong kapanganakan, lugar ng kapanganakan, lahat ng lugar na pinamalagian mo nang hindi kukulangin sa anim na buwan sa nakaraang limang taon, mga
lengguwahe o mga diyalekteng alam mo, mga paaralang
pinasukan, hanapbuhay sa nakaraang limang taon at espesyal na kaalaman, ksanayan o kakayahan.
2. Sabihin ang hanapbuhay at oryentasyong pampulitika ng
malapit mong kamag- anak sa dugo at kamag-anak bunga ng
matrimonya at hindi kukulangin sa sampung matalik na
kaibigan mo sa nakaraang limang taon. Banggitin yaong mga
rebolusyonaryo o yaong maari mong tulungan upang maging
rebolusyonaryo.
3. Isalaysay ang iyong uring pinagmulan at ang pag-unlad ng
iyong ideolohiya at kamulatang pampulitika.
4. Sabihin ang magagawa mo sa Partido ngayon at sa
hinaharap tungkol sa mga tungkulin ng pagbubuo ng Partido,
sandatahang pakikibaka at pambansang nagkakasiang prente.
B. Rekord sa Pulitika
1. Sabihin ang lahat ng organisasyong nilahukan mo nitong
nakaraang limang taon (banggitin ayon sa pagkakasunud-sunod)
at magbigay ng may-pananagutang paliwanag tungkol sa mga ito
at sa ginawa mo roon.
2. Sabihin ang dahilan mo sa pagnanais na umanib sa
Partido at ang konkretong pangyayari tungkol sa kagustuhan
mong umanib.
3. Isalaysay ang buong saklaw ng paglahok mo hanggang
ngayon sa rebolusyonaryong kilusang pangmasa.
4. Iugnay ang iyong kasalukuyang personal na kalagayan at
ang gawaing pampulitika na nagawa mo hanggang ngayon sa
rebolusyonaryong kilusang pangmasa.
K. Ideolohiya
1. Sagutin ang mga saligang katanungan tungkol sa
pilosopiyang materyalista, diyalektikong materyalismo,
pangkasaysayang materyalismo, ekonomiyang pampulitika,
imperyalismo, pandaigdigang kilusang komunista, kasaysayan
ng Pilipinas, mga batayang suliranin ng sambayang Pilipino,
ang bagong demokratikong rebolusyon sa Pilipinas, kasaysayan
ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan,
Programa at Saligang Batas ng Partido, mga alituntunin ng
hukbong bayan at mga organo ng kapangyarihang pampulitika.
(Bigyang-diin ang kursong primarya.)
2. Sabihin nang tapat ang anumang hindi pa malinaw sa iyo
tungkol sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung, lipunan
at rebolusyong Pilipino at estratehya at taktika ng Partido
Komunista ng Pilipinas.
3. Ilarawan ang kasalukuyang timbangan ng lakas sa
Pilipinas at sa daigdig.
4. Magbigay ng mga praktikal na mungkahi kung paanong ang
Partido sa kabuuan at ang organisasyon o yunit na
kinabibilangan mo ay mapalalakas sa ideolohiya, pulitika at
organisasyon batay sa iyong kasalukuyang kaalaman tungkol sa
rebolusyonaryong kilusang pangmasa.
Mga Aklat na Dapat Pag-aralan ng Kandidatong Kasapi
1. Limang Gintong Silahis
2. Mga Siniping Pangungusap ng Tagapangulong Mao Tsetung
3. Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero
4. Patnubay para sa mga Kadre at Kasapi ng Partido
Komunista ng Pilipinas
5. Mga kasalukuyang pangunahing kapasyahan ng Komite Sentral
6. Pang-Organisasyong Patnubay at mga Balangkas ng Ulat
7. Hinggil sa Digmang Bayan
Paliwanag:
Ang patnubay na ito sa pagsusuri ay nagsisilbing
balangkas ng mga katanungang maaaring iharap ng kasapi ng
Partido na naatasang magsuri sa kandidatong kasapi bago siya
gawing ganap na kasapi. Usapan ang pangkalahatang paraan sa
pagsusuri. Ang dalawang kasapi ng Partido na nagrerekomenda
sa kandidatong kasapi ay siyang may pananagutan sa pag-aaral
at pagkilos ng kandidatong kasapi.
Back to top
|