PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
PATNUBAY SA PAGHAHANDA NG ULAT NG ISKWAD SA KAGYAT NA NAKATATAAS NA PAMATNUGUTAN SA OPERASYON
IV. IBA PANG ESPESYAL NA ULAT
Ang espesyal na ulat ay madaliang inihahanda at
ipinaaabot dahil sa pangangailangan na hindi na kailangang
isabay pa sa buwang ulat.
Mga Gabay:
1. Mga suliraning kinakailangang ipaabot kaagad at
kinakailangan ang tulong ng nakatataas na organo o
pamatnugutan o ng ibang mga kasama sa paglutas.
2. Mga malalaking pangyayari sa masa, sa pangkat at sa
saklaw ng kinikilusang lugar.
3. Mga kilos ng kaaway na mahalagang ipabatid kaagad sa
ibang mga pangkat.
4. Mga kadahilanan sa di-pagsasagawa ng mga mabilisan o may
kalakhang atas.
###
Back to top
|