PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
KARAGDAGANG PALIWANAG UKOL SA MGA TUNGKULIN NG PAMUNUAN NG SANGAY NG PARTIDO
A. Ang komiteng tagapagpaganap ay siyang:
1. nagpapatupad at nagpapalaganap sa linya, mga
patakaran at mga atas ng mga nakatataas na organo ng
Partido;
2. tumatalakay at nagpapasiya sa mga patakaran, balak
at gawain ng sangay ng Partido sa pagitan ng mga pulong
ng buong sangay;
3. sumusuri sa mga kandidatong kasapi ng sangay ng
Partido at nagpapatibay sa pagiging ganap na kasapi
nila; at
4. lumilikha ng mga katungkulan o iba pang komiteng
nasa ilalim ng komiteng tagapagpaganap o kalihiman
upang tumupad ng mga tiyak na tungkulin.
B. Ang kalihiman ay siyang nangangasiwa sa mga
pang-araw-araw na gawain ng sangay ng Partido.
1. Ang kalihim ay siyang:
a. tumitindig na pinunong pampulitika, pangunahing
kinatawan at tagapagsalita ng buong sangay;
b. tumatawag ng mga panlahatang pulong ng sangay;
ng komiteng tagapagpaganap; at ng kalihiman; at
k. kumikilos bilang huwaran ng mga kasapi ng
Partido at ng mga mamamayan.
2. Ang pangalawang kalihim sa organisasyon ay siyang:
a. nangangasiwa sa mga grupo ng sangay at sa mga
grupo ng Partido sa mga organo ng
kapangyarihang pampulitika at mga lokal na
organisayong pangmasa;
b. humahalili sa kalihim kung hindi ito
nakagaganap sa kanyang mga tungkulin; at
k. tumitiyak sa pagdalo ng kabuuang kasapi sa mga
panlahatang pulong ng sangay.
3. Ang pangalawang kalihim sa edukasyon ay siyang:
a. nangangasiwa sa patuloy na pag-aaral sa
Marxismo-Leninismo- Kaisipang Mao Tsetung at
rebolusyong Pilipino ng mga kandidatong kasapi
at kasapi ng Partido ng buong sangay; at
b. tumitiyak sa pagakkaroon ng mga babasahin at
iba pang materyal sa pag-aaral ng lahat ng
bahagi ng sangay.
K. Ang bilang ng kasapi sa komiteng tagapagpaganap ay lima
hanggang labing-isa batay sa bilang ng kasapi ng buong
sangay. Kapag tatlong kasapi pa lamang ang bumubuo ng isang
sangay, mainam na gampanan ng mga ito ang gawain ng isang
pansamantalanag kalihiman (may isang kalihim at dalawang
pangalawang kalihim) hanggang umabot na sa pito ang bilang
ng mga kasapi at maaari nang ihalal ang komiteng
tagapagpaganap at kalihiman.
D. Ang komiteng tagapagpaganap o ang kalihiman ay maaaring
humirang ng pinunong pampinansiya at iba pang pinuno na
naaangkop sa sangay o grupo.
###
Back to top
|