PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
PATNUBAY SA PAGHAHANDA NG ULAT NG ISKWAD SA KAGYAT NA NAKATATAAS NA PAMATNUGUTAN SA OPERASYON
III. ESPESYAL NA ULAT UKOL SA MGA LABANAN
A. Paglalahad ng Pangyayari
1. Petsa at lugar ng pangyayari.
2. Tipo ng pangyayari (papaparusa, tambang, paglusob o
pagkubkob sa kaaway, pagpapasabog, di-inaasahang enkuwentro
o pagkubkob ng kaaway).
3. Ano ang kalagayan ng ating panig?
a. bilang at tipo ng pormasyon natin
b. bilang at tipo ng mga sandatang ginamit
k. tulong o partisipasyon ng masa o milisya
d. laki ng kapinsalaan sa ating mga tauhan (napatay,
sugatan, malubha at hindi malubha, at nabihag)
e. armas, bala at kagamitang nakuha o nasira ng kaaway
g. balang ginamit
4. Ano ang kalagayan ng kaaway?
a. bilang at tipo ng pormasyon ng kaaway
b. uri ng sandata at iba pang kagamitang pandigma na
ginamit
k. laki ng kapinsalaang nagawa natin sa tauhan ng
kaaway (sabihin kung tiyak o di-tiyak ang bilang ng:
(1) napatay; (2) sugatan, malubha at di-malubha)
d. armas, bala at iba pang kagamitang nasamsam o nasira
sa kaaway
e. mga karagdagang impormasyong nakalap ukol sa kaaway
mula sa masa
g. mga impormasyong nakuha sa bihag kung mayroon
5. Pagsasalarawan ng Pangyayari (diagram o drawing)
a. disposisyon natin at ng kaaway
b. kalupaan at iba pang katangian ng lugar
k. kilos natin at ng kaaway: (1) sa umpisa; (2) sa
kalagitnaan; (3) sa katapusan
6. Gaano katagal naganap ang buong pangyayari?
B. Paglalagom sa Pangyayari
Sagutin ang mga katanungan upang matulungan ang
pamunuan sa paglalagom sa pangyayari.
1. Kanino ang inisyatiba? Nagtagumpay ba tayo o hindi?
2. Ano ang batayan ng ating tagumpay o kabiguan?
3. Ano ang dapat gawin ng pangkat upang mapahusay ang
pagkilos at inisyatiba natin?
4. Ano ang inyong ginagawa upang ugatin at iwasto ang mga
kamalian o kahinaang lumitaw sa pangyayaring ito?
5. Ano ang naging epekto ng pangyayari sa masa?
6. Ano ang dapat gawin upang lubusang makuha ang masa sa ating panig at mapakilos sila laban sa kaaway?
____________________________
Lider ng Iskwad
____________________________
Giyang Pampulitika
______________________
Petsa
Back to top
|