PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
PATNUBAY SA PAGHAHANDA NG ULAT NG ISKWAD SA KAGYAT NA NAKATATAAS NA PAMATNUGUTAN SA OPERASYON
II. BUWANANG ULAT NG ISKWAD
A. Kalagayang Pampulitika
1. Pagtingin ng masa sa kilusang rebolusyonaryo.
2. Mga pangunahing suliranin ng masa.
3. Pagtingin sa pamahalaang reaksiyonaryo at sa mga amo
nitong imperyalista at panginoong-maylupa.
4. Mga hidwaan sa loob ng mga nagsasamantalang uri at sa
hanay ng mga pinuno ng reaksiyonaryong pamahalaan.
B. Kalagayan ng Gawain
1. Sa Organisasyon
a. Saang mga baryo naitayo ang komite ng mga mamamayan
(KPB at iba't iba pa tulad ng KPM) at organo ng
kapangyarihang pampulitika sa kanayunan (KRB)?
b. Ano ang katayuang pang-organisasyon ng mga komite sa
organisasyon, edukasyon, ekonomiya, tanggulan at
kalusugan; saang baryo naitayo na ang mga ito at
kailan?
k. Ilan ang naitayong pang-organisasyong pangmasa ng
mga magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan at
bata; ilan ang kasapi ng mga ito; at
pinag-ugnay-ugnay na ba ng komite sa organisasyon
ang mga organisasyong ito?
d. Gaano kalaki (bilang ng mamamayan) ang masasabing
baseng pangmasa ng kilusang rebolusyonaryo?
e. Ilan ang kasapi at kandidatong kasapi ng Partido sa
loob ng iskwad at sa mga lokalidad?
Banggitin ang mga organisasyong binuo ng kaaway,
organisasyong panrelihiyon at iba pang organisasyong nabuo
nang hindi sa ating inisyatiba.
2. Sa Edukasyon
a. Ilan ang naidaos na pulong ng pakikibaka o pag-aaral
sa ilalim ng KPB o KRB; ano ang pinagtalakayan at
ilan ang dumalo?
b. Ilan ang naidaos na pulong ng pag-aaral ng bawat
organisasyong pangmasa; ano ang pinagtalakayan at
ilan ang dumalo?
k. Kumikilos na ba ang komite sa edukasyon at ano ang
ginagawa?
d. Ilang grupo ng paaralang publiko ang nakauunawa sa
rebolusyon at makatutulong sa gawaing pang-edukasyon
batay sa kursong primarya?
e. Handa na ba ang lokal na sangay ng Partido o mga
kasapi nito sa gawaing pang-edukasyon at
pampropaganda?
g. Anu-ano ang pinagtalakayan ng iskwad sa mga pulong
panloob nito sa pag-aaral, pagalalagom ng karansan
at pamumuna at pagpuna-sa-sarili?
Banggitin ang kampanya sa propaganda at edukasyon na
inilulunsad ng kaaway at iba't ibang mga sekta at samahang
walang pakikipag-ugnayan sa atin.
3. Sa Ekonomiya
a. Ano ang kalagayan at mga suliranin ng iba't ibang
uri at saray na kinabibilangan ng masa?
b. Ano ang nagawa nating hakbang sa pagtulong sa
kanila?
k. Nakagawa ba ng produksiyon para sa Partido at hukbo
o nakakakuha ng materyal na tulong mula sa masa o
mga kaalyado?
d. Kumikilos na ba ang komite sa ekonomiya?
e. Ano ang kalagayan ng iskwad sa ekonomiya (pati sa
pinansiya)?
Banggitin ang mga nagsasamantala sa mga mamamayan
(panginoong-maylupa, usurero, bulok na opisyal ng
reaksiyonaryong pamahalaan, mga negosyante, ahente ng mga
negosyante, atbp.) at ang pamamaraan ng pagsasamantala sa
kanila.
4. Sa Kalusugan
a. Ano ang pinakamalaganap na sakit ng masa?
b.Mayroon na bang kaalyado man lamang na doktor?
k. Ano ang mga katutubong gamot at panggagamot na
ginagamit ng masa?
d. Handa na ba ang mga komite ng kalusugan at kaya na
bang gamutin o alagaan o dalhin sa doktor ang mga
mandirigma nating nasusugatan o maysakit?
e. Ano ang kalagayan ng mga kasapi ng iskwad sa
kalusugan?
5. Sa Militar
a. Ano ang kalagayan ng kaaway (bilang ng tauhan at
kagamitan, pormasyon at pagkadisposisyon, mga abuso
at kilos nito laban sa atin)?
b. Ano ang kontra-hakbang natin (pansamantalang
pag-iwas, pagpaparusa, tambang paglusob o ano pa) sa
kilos ng kaaway; at ano naman ang ibinunga?
k. Anong paglilinis na ang nagawa natin laban sa kaaway
(mga tropa, BSDU, impormer, panginoong-maylupa,
mangangamkam ng lupa, malupit na maykapangyarihan,
mangingikil, magnanakaw at iba't iba pang demonyo);
ilan na ang nalipol (patay o sugatan) sa bawat tipo
ng kaaway?
d. Anong tipo at ilang baril at bala ang nakumpiska sa
kaaway?
e. Ano ang kalagayan ng iskwad (pagkadisposisyon; mga
bagong rekluta at katangian nila; ang nabawas na
tauhan o sandata at dahilan, atbp.)?
g. Ano ang kalagayan ng mga komite sa tanggulan at ang
pinamumunuan nitong yunit ng milisya o ng
pagtatanggol sa sarili; nakapagsanay na ba sila at
papaano nasasandatahan?
h. Nagtutulunga na ba ang iskwad at mga lokal na
sandatahang pangkat sa mga operasyon at iba pang
gawaing militar?
K. Mga Kahilingan, Opinyon at Mungkahi
1. Tungkol sa mga gawain sa organisasyon, edukasyon,
ekonomiya, kalusugan at militar.
2. Tungkol sa iskwad at mga bagong rekluta.
___________________________
Lider ng Iskwad
___________________________
Giyang Pampulitika
_______________________
Petsa
Paliwanag: Ang iskwad ang gumagawa ng ulat ukol sa mga lokal
na sangay habang walang pang nakatatag na organo ng Partido
(tulad ng komiteng panseksiyon) na tuwirang nangangasiwa sa
mga ito.
Back to top
|