PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
PAGLILINAW SA MGA TUNGKULIN NG ISKWAD AT PAMUNUAN NG ISKWAD NG BAGONG HUKBONG BAYAN
Mahalagang malaman ng iskwad ng Bagong Hukbong Bayan
ang mga tungkulin nito sa kabuuan gayundin ang mga tungkulin
ng iba't ibang kagawad ng pamunuan upang matiyak ang
responsibilidad ng bawat isa nang hindi nawawalay ang pansin
sa mga pangkalahatang tungkulin ng iskwad.
A. Mga Tungkulin ng Kabuuang Iskwad
1. Batay sa konkretong pagsisiyasat sa mga purok na
kinikilusan, ipaliwanag sa masa ang layunin ng pambansang
rebolusyon upang sila'y mapukaw, mapakilos at maorganisa
laban sa imperyalismong Amerikano, piyudalismo at
burukratang kapitalismo.
2. Itayo ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika ng mga
mamamayan (KPB, KRB, KPE, KPM at KPK).
3. Lipulin at parusahan ang mga tropa ng kaaway, mga
mapaniil na panginoong maylupa, mga impormer, mga lokal na
maton, mga pusakal na bandido at tulisan, at iba pang
demonyo.
4. Magtayo at magpatatag ng mga baseng panggerilya at sonang
panggerilya.
5. Batay sa kongkretong kalagayan, ipatupad ang rebolusyong
agraryo (pagbabawas ng upa sa lupa, pagbabawas ng interes sa
pautang, pagkumpiska ng lupa at iba pa).
6. Mangalap ng mga bagong mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan
at bigyan sila ng panimulang pagsasanay sa pulitika at
militar.
7. Manguna sa pagbubuo at pagsasanay ng mga yunit ng milisya
at ng pagtatanggol sa sarili sa ilalim ng komite ng
tanggulan.
8. Tumulong sa masa sa paglutas ng kanilang pang-araw-araw
na suliranin.
9. Lumahok sa produksiyon upang matustusan ang sarili at
mapagaan ang pasanin ng mga mamamayan.
10. Magdaos ng mga pulong ng pag-aaral, paglalagom, at
pamumuna at pagpuna-sa- sarili sa loob ng iskwad.
B. Mga Tungkulin ng mga Kagawad ng Pamunuan
Ang pamunuan ng iskwad ay binubuo ng mga sumusunod na
pinuno: 1) lider ng iskwad; 2) pangalawang lider ng iskwad;
3) giyang pampulitika; 4) pinuno sa panustos; at 5) pinunong
pangkalusugan.
1. Ang mga tungkulin ng lider ng iskwad ay:
a. tumindig bilang pangkalahatang pinuno ng iskwad at
kung gayo'y pangunahing nananagot sa pagpapatupad ng
mga gawaing pang-iskwad na iniaatas ng mga
nakatataas na pamatnugutan at kapasiyahan ng pulong
ng grupo ng Partido sa iskwad;
b. mamatnugot sa mga operasyong pangmilitar ng buong
iskwad at magpasiya ukol sa mga pangkagipitang suliraning pagmilitar;
k. manguna sa gawaing pangmasa at pagtatatag ng mga
organo ng kapangyarihang pampulitika;
d. manguna sa pag-aasikaso sa mga kasapi ng iskwad sa
ekonomiya at kagamitan, kalusugan, kaligtasan at sa
paglutas ng mga panloob na suliranin;
e. magpatingkad sa liderato ng Partido sa hukbo, sa
demokratikong pagkilos at sa mulat na disiplina;
g. tumawag ng mga pulong sa pag-aaral, paglalagom,
pamumuna at pagpuna- sa-sarili upang mapataas ang
antas ng kamulatang pang-ideolohiya at pampulitika
ng iskwad at mapahusay ang rebolusyonaryong gawain
nito;
h. manguna sa pagpapatingkad sa rebolusyonaryong
kabayanihan, katapatan, kawalang-pagod at
kawalang-takot sa sunud-sunod na pakikihamok;
i. maghanda ng mga kinakailangang ulat para sa mga
nakatataas na antas.
2. Ang mga tungkulin ng pangalawang lider ng iskwad ay:
a. gumanap sa mga tungkulin ng lider ng iskwad sa mga
pagkakataong kinakailangan ito o sa mga kalagayang
ang komander ay wala sa kalagayan upang tuupad ng
kanyang mga tungkulin;
b. tumulong sa lider ng iskwad sa pagpapatupad ng mga
tungkuling pang- iskwad na iniaatas ng mga
nakatataas na pamatnugutan;
k. tumulong sa lider ng iskwad sa pag-aasikaso sa
kalagayan ng mga kasama; at
d. gumanap ng iba pang tungkuling maaaring iatas sa
kanya.
3. Ang mga tungkulin ng giyang pampulitika ay:
a. mag-organisa at mamuno sa grupo ng Partido sa loob
ng iskwad at tumiyak na may kolektibong desisyon sa
paglutas ng mga suliranin;
b. tumiyak sa pagpapatupad ng mga patakaran at
direktiba ng mga nakatataas na organo ng Partido;
k. mamuno sa pag-oorganisa ng mga lokal na sangay ng
Partido kaugnay ng pagtatatag ng mga lokal na organo
ng kapangyarihang pampulitika;
d. manguna sa grupo ng Partido sa pagdaraos ng
pag-aaral at tumanggap ng mga materyales sa
pag-aaral mula sa mga nakatataas na antas ng
kagawarang pampulitika;
e. tiyaking umiiral ang demokrasyang pampulitika,
pangmilitar at pang- ekonomiya sa loob ng hukbo; at
g. maghanda ng mga ulat pampulitika para sa kagyat na
nakatataas na kagawarang pampulitika ng hukbo.
4. Ang mga tungkulin ng pinuno sa panustos ay:
a. mag-ingat ng mga kagamitan at panustos ng iskwad;
b. maghanda at humawak ng mga tala at kuwenta ng
kabuuang panusos ng iskwad at magbigay-ulat sa lider
ng iskwad pagsapit ng panahong kinakailangan;
k. mag-ipon at magtala ng mga aramas at iba pang bagay
na kinumpiska sa kaaway; at
d. mag-asikaso sa maaaring pagbuhatan ng mga kagamitan
at panustos ng iskwad.
5. Ang mga tungkulin ng pinunong pangkalusugan ay:
a. mag-asikaso sa kalusugan ng mga kasama at ng masa;
b. mangalap at mag-ingat ng mga kaukulang gamot, laluna
sa pangkagipitang pangangailangan;
k. tumugon sa pangkagipitang pagbibigay-lunas sa mga
kasama at sa masa; at
d. mag-asikaso sa pagtawag ng manggagamot o sa
pagdadala ng kasamang maysakit sa manggagamot.
###
Back to top
|