PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
PATNUBAY SA PAGHAHANDA NG ULAT NG ISKWAD SA KAGYAT NA NAKATATAAS NA PAMATNUGUTAN SA OPERASYON
I. ULAT NG PAGSISIYASAT
Ang ulat ng pagsisiyasat ay inihahanda kaagad matapos
ang masusing pagsisiyasat sa kalagayan ng kinikilusang lugar
at magpapatuloy ang pagbibigay ng ulat habang lumalawak ang
nasasaklaw na lugar. Kinakailangan ding maghanda ng
ganitong mga ulat para sa mga dating kinikulsang lugar na
hindi pa naiuulat.
________________________________
Baryo, Bayan at Lalawigan
1. Populasyon at bilang ng bubong (bahay).
2. Kapitan del baryo at mga kasapi ng konseho ng baryo at
ang kani-kanilang uri, laki ng lupang binubungkal o ari at
Partidong kinaaaniban.
3. Malalaking panginoong-maylupa (mula 50 ektarya pataas),
mga katiwala at mga maylupang nag-aari ng 10 o higit pang
ektarya (sa ilang lugar, maaaring mas maliit ang lawak ng
aring lupa upang makilala ang malalaking panginoong
maylupa.)
4. Bilang ng mga maralitang magsasaka, panggitnang magsasaka
at mayamang magsasaka.
5. Bilang ng mga guro sa baryo, edad at baitang na
hinahawakan.
6. Mga di-magsasakang naninirahan sa baryo na nagtratrabaho
sa loob o labas ng baryo.
7. Sistema ng partihan o upa sa lupa.
8. Sistema ng usura (taas ng tubo ng pautang).
9. Iba pang anyo ng pagsasamantalang piyudal at mala-piyudal
(kabilang ang pagsasamantala ng mga negosyante).
10. Mga kinamumuhiang panginoong-maylupa, mangangamkam ng
lupa, usurero, katiwala at mga nasa kapangyarihan (sibilyan,
pulis o opisyal na pangmilitar) na naninirahan sa loob at
labas ng baryo at ang kanilang mga kasalanan at aktibidad
laban sa mga mamamayan.
11. Masasamang elemento tulad ng mga mangangalabaw,
mangingikil, magnanakaw, manggagahasa at iba pa.
12. Mga nagmamay-ari ng armas at ang kani-kanilang kalagayan
at aktibiadad sa pulitika.
13. Mga dati at kasalukuyang naninirahan sa baryo na
nagtratrabaho sa reaksiyonaryong sandatahang lakas o
pulisya.
14. Mga ahensiya ng reaksiyonaryong pamahalaan o ng mga
dayuhang pamahalaan na kumikilos sa baryo at ang
kani-kanilang partikular na aktibidad.
15. Mga samahang relihiyoso, bilang ng kasapi at mga lider
nila sa purok.
16. Mga organisasyong pangmasa, bilang ng mga kasapi at mga
aktibidad.
17. Rebolusyonaryong karanasan o kasaysayan ng mga
mamamayan.
18. Kalupaan, kalagayan ng mga daan at distansya mula sa
pambansang lansangan, poblasyon o destakamento ng PC.
19. Kahalagahan ng baryo sa taktika.
20. Mga pang-araw-araw at natatanging suliranin na higit na
pinagkakaabalahan ng mga taga-baryo.
___________________________
Lider ng Iskwad
___________________________
Giyang Pampulitika
_______________________
Petsa
Paliwanag: Maaari ring gamitin ang balangkas na ito ng mga
kadre ng Partido at aktibista ng mga organisasyong pangmasa.
Back to top
|