PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
PATNUBAY SA PAGTATAYO NG MGA ORGANO NG KAPANGYARIHANG PAMPULITIKA
PATNUBAY PARA SA HUKUMANG BAYAN
I. Saligan sa Pagbubuo
Upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan at
matiyak ang pagsulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan,
ang hukumang bayan ay binubuo bilang organo na tyutulong sa
pagsasaayos ng mga panloob na ugnayan ng mga mamamayan at sa
pagsugpo ng kontra-rebolusyon na inilulunsad ng kaaway.
II. Ang Saklaw ng Hukumang Bayan
Dalawang klase ng mga kaso ang sinasaklaw ng hukumang bayan. Isa ang kinapapalooban ng mga kontradiksyon sa hanay ng mga mamamayan. Isa pa ang kinapapalooban ng mga
kontradiksyon sa pagitan ng mga mamamayan at kaaway. Dahil
sa magkaibang kalikasan nito, magkaiba ang pamamaraan sa
paglutas ng bawat isa.
1. Ang mga kontradiksyon sa hanay ng mga mamamayan ay
di-marahas at sumusulpot sa hanay ng mga uri, grupo at
indibidwal na lumalaban para sa demokratikong rebolusyon ng
bayan. Nalulutas ang mga ito sa pamamagitan ng karaniwang
arbitrasyon kahit sa labas ng hukumang bayan. Ngunit
maaaring magharap ng kaso sa hukumang bayan kung hinihiling
ng isa o magkabilang panig ng magkakasalungat o kung naisin
ninuman na maiwasang maging marahas ang di-marahas na
kontradiksyon. Ang pamamaraan sa pagharap sa mga
kontradiksyon sa hanay ng mga mamamayan ay demokratiko at
kabilang dito ang pakiusapan at makatarungang kasunduan ng
magkakasalungat.
2. Ang mga kontradiksyon sa pagitan ng mga mamamayan at
kaaway ay marahas at sumusulpot sa pagitan ng mga uri, grupo
o mga indibidwal na lumalaban para sa demokratikong
rebolusyon ng bayan sa isang panig at ng mga uri, grupo o
indibidwal na salungat dito. Ag hukumang bayan ay tinatawag
upang patunayan ang mga krimen ng kaaway, pakilusin ang mga
mamamayan at magpataw ng kaparusahan sa mga kriminal. Kung
gayon, ang hukumang bayan ay kasangkapan ng diktadurang
demokratiko ng bayan. Pinarurusahan ang maysala batay sa
bigat ng krimen.
III. Ang Pagbubuo ng Hukumang Bayan
1. Ang hukumang bayan ay bubuuin ng mga kinatawan ng
Partido, hukbo at mamamayan. Pipiliin ang kinatawan ng
Partido sa pamamagitan ng pulong ng sangay ng Partido sa
loob ng hukbong bayan o sa lokalidad, ang kinatawan ng hukbo
sa pamamagitan ng pulong ng yunit ng hukbo sa lokalidad at
ang kinatawan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pulong ng
Komiteng Pang-organisa ng Baryo o Komiteng Rebolusyonaryo ng
Baryo. Pipiliin ng tatlong kinatawan ang kanilang
tagapangulo.
2. Hanggat maaari, palalahukin ang mga mamamayan sa hukumang
bayan. Sa mga kasong laban sa kaaway, patitingkarin ang
tinig ng mamamayan. Kung kinakailangan ang pag-iingat,
maaaring ilang mamamayan lamang ang papayagang lumahok ng
hukuman.
3. Ang hulumang bayan ay maaaring buuin sa lugar na
pinangyarihan ng krimen o sa pinagdakpan ng nasasakdal.
IV. Ang Imbestigasyon Bago Paglilitis
1. Batay sa isang berbal o nakasulat na petisyon ng mga
mamamayan, anumang grupo o indibidwal, maaaring simulan ang
nararapat na imbestigasyon ng KPB o KRB, sangay ng Partido o
yunit ng hukbo na nakatalaga sa lokalidad.
2. Batay sa pagganap ng isang krimen laban sa mga
mamamayan., dapat simulan ng mga maykapangyarihang nabanggit
sa itaas ang imbestigasyon at pangangalap ng ebidensya.
3. Ang maaaring pagmulan ng impormasyon sa ibat ibang paraan
ay ang mga mamamayan, magkasalungat na panig, biktima,
nasasakdal at saksi. Kung kinakailangan, maaaring arestuhin
kaagad sa pamamagitan ng hukbo, lokal na gerilya o milisya
ang nasasakdal upang imbestigahin. Iwasan ang pagkuha ng
"pagtatapat" sa pamamagitan ng pamimilit.
4. Batay sa panimulang imbestigasyon, maaaring hingin ng
lokal na organo ng kapangyarihang pampulitika (KPB o KRB),
sangay ng Partido o yunit ng hukbo ang pagdaraos ng hukumang
bayan.
V. Paglilitis
1. Ilahad ang kaso sa mga mamamayan, iharap ang magkabolang
panig, mga saksi at mga kauukulang ebidensya na nasa kamay
ng hukuman. Ang sinumang may kinalaman o nalalaman ukol
sa kaso ay may karapatang magsalita at magbigay ng ebidensya
o paninindigan.
2. Maaring litisin ang isang nasasakdal na ayaw dumalo sa
hukuman. Sinuman ay ma karapatang magtanggol sa nasasakdal
na ayaw dumalo. Maaari ring iutos muna ng hukumang bayan
ang pagdakip sa nasasakdal.
3. Ang hatol ay nagagawa sa pamamagitan ng kapasiyahan ng
mayorya ng hukumang bayan. Kung walang dalawang boto para
sa isang maliwanag na hatol, ang kaso ay iaakyat sa kagyat
na nakatataas na maykapangyarihan.
VI. Ang Kaparusahan sa Krimen
1. Batay sa bigat ng krimen o pagkakasala, ang maysala ay
papatawan ng mga hakbanging pagtutuwid tulad ng pangangaral,
paggawa at pagbabayad ng danyos o ng pinakamabigat na
parusang kamatayan.
2. Ang parusang kamatayan ay ipinapataw sa mga salarin sa
mga kaso ng espiyonahe, pagkakanulo at pagtataksil,
pamamaslang, panununog, panggagahasa, malakihang paglustay,
marahas at malakihang pagnanakaw at pagnanakaw ng kalabaw at
iba pang hayop na pantrabaho. Lalong ipinapataw ang
parusang kamatayan kung sapat at paulit-ulit nang gumawa ang
mga mamamayan at maykapangyarihan ng babala sa mga krimeng
nabanggit.
VII. Ang Pagpapatupad ng Hatol at ang Pag-aapela
1. Ang hatol ng hulumang bayan ay pinal at ipinatutupad
kaagad maliban kung ipinahihintulot ng kalagayan ang
paghahabol sa nakatataas na maykapangyarihan at kung
hinihiling ng alinmang panig sa isang kaso.
2. Kung may ihaharap na bagong ebidensiya, ang hukumang
bayan ay maaaring magbukas ng panibagong paglilitis.
VIII. Huling Pagsusuri ng Komiteng Panrehiyon
1. Tatanggapin nang regular ng Komiteng Panrehiyon ng
Partido ang mga ulat ukol sa mga kaso na kinasasangkutan ng
mga salaring naparusahan na ng kamatayan at gayundin sa mga
kasong hindi pa naparurusahan ang mga nahatulan ng
kamatayan.
2. Sa mga kasong pinahihintulutan ng kalagayan o
kinakailangang iakyat, ang Komite Sentral ang pinakahuling
antas ng paghahabol. Hanggat maaari, ipagpapaubaya naman ng
Komite Sentral sa Komiteng Panrehiyon ng Partido ang
pinakahuling hatol.
###
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
Back to top
|