PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
4. Samahan ng mga Kabataang Makabayan
a. Ang mga kasapi ay kinabibilangan ng mga kabataang
lalaki at babaing 14 hanggang 25 taong gulang. Kung
minsan, matatagpuan ng mga kadre ng Partido ang mga
samahang pangkabataan na kusang inoorganisa na ng mga
kabataan sa iba't ibang kadahilanan. Ang mga ito ay
dapat gawing mga rebolusyonaryong kilusang
pangkabataan.
b. Ang mga tungkulin ng Samahan ng mga Kabataang
Makabayan ay:
1) pagbuklurin ang lahat ng kabataang lalaki at
babae sa ialalim ng bandila ng demokratikong
rebolusyon ng bayan;
2) maghanda o magpalitaw ng mga kadre at mga
kasapi ng Partido mula sa hanay ng kabataan;
3) lumikha sa hanay ng mga kabataan ng isang
makapangyarihang reserba ng Bagong Hukbong
Bayan at tutulan ang lahat ng pakana ng
reaksiyonaryong pamahalaan na gamitin ang
kabataan laban sa rebolusyon tulad ng
pagsasanay na militar at konskripsiyon;
4) magdaos ng mga rebolusyonaryong pag-aaral;
5) paunlarin ang mga pagtatanghal na pangkultura;
6) mangalap ng pondo mula sa mga pagtatanghal na
pangkultura; at
7) lumahok sa mga aksiyong pangmasa laban sa
imperyalismo, piyudalismo at lahat ng
reaksiyon.
5. Samahan ng mga Kababaihang Makabayan
a. Ang mga kasapi ay kinabibilangan ng lahat ng
kababaihan sa komunidad. Kung tutuusin, sila ang
kalahati ng populasyon at kung gayon ay napakahalaga
nila. Karaniwang nakaliligtaan sila sa mga gawaing
rebolusyonaryo.
b. Ang mga tungkulin ng Samahan ng mga Kababaihang
Makabayan ay:
1) pagbuklurin ang lahat ng kababaihan sa ilalim
ng bandila ng demokratikong rebolusyon ng
bayan;
2) gawin silang aktibong kalahok sa rebolusyon;
3) magpalitaw ng mga kadre at mga kasapi ng
Partido mula sa hanay ng kababaihan;
4) himukin ang mga kababaihang magtulungan sa
paglutas ng kani- kanilang pang-araw-araw na
suliranin;
5) magdaos ng mga rebolusyonaryong pag-aaral;
6) pakilusin ang kababaihan upang itaguyod ang
rebolusyonaryong kilusan sa mga tungkuling
nababagay sa kababaihan; at
7) lumahok sa mga aksiyong pangmasa laban sa
imperyalismo, piyudalismo at lahat ng
reaksiyon.
|