PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
1. Samahan ng mga Manggagawang Makabayan
a. Ang mga kasapi ay kinabibilangan ng mga sumasahod
bilang mga manggagawang industriyal, manggagawang
pambukid at iba pa. Sila ay maaring nagtratrabaho sa
iba't ibang pagawaan o kabilang sa iba't ibang unyon
ngunit sama-sama silang nainirahan sa komunidad.
b. Ang mga tungkulin ng Samahan ng mga Manggagawang
Makabayan ay:
1) pagbuklurin ang lahat ng manggagawa sa
lokalidad sa ilalim ng bandila ng demokratikong
rebolusyon ng bayan;
2) magpalitaw ng mga kadre at kasapi ng Partido sa
hanay ng mga manggagawa para sa pagtatatag ng
tunay na unyon at mga sangay ng Partido sa
kani-kanilang lugar na pinagtratrabahuan;
3) magsagawa ng mga rebolusyonaryong pag-aaral;
4) paunlarin ang idea ng pangkalahatang welga ng
mga manggagawa;
5) mangalap ng mga Pulang mandirigma mula sa hanay
ng mga manggagawa;
6) mangalap ng makatwirang tulong na pampinansiya,
panteknika at iba pa mula sa mga manggagawa
para sa rebolusyon; at
7) lumahok sa mga aksiyong pangmasa laban sa
imperyalismo, piyudalismo at lahat ng
reaksiyon.
|