PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
6. Samahan ng mga Batang Makabayan
a. Ang mga kasapi ay kinabibilangan ng mga batang pito
hanggang 13 taong gulang. Gayunman, sila ay maaaring
patnubayan ng mga kasapi ng Partido o aktibista sa mga
samahang pangkabataan at pangkababaihan.
b. Ang mga tungkulin ng Samahan ng mga Batang Makabayan ay:
1) pagbuklurin ang lahat ng bata sa ilalim ng
demokratikong rebolusyon ng bayan;
2) gumanap ng mga simpleng tungkulin sa
rebolsuyon;
3) magbigay ng rebolusyonaryong nilalaman sa
edukasyong primarya at intermedya;
4) magpalaganap ng mga islogan, kwento at awiting
rebolusyonaryo; at
5) lumahok sa mga aksiyong pangmasa laban sa
imperyalismo, piyudalismo at lahat ng
reaksiyon.
|