PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
8. Samahan ng mga Makabayang Mangangalakal
a. Ang karamihan sa mga kasapi ay kinabibilangan ng mga
maliit at katamtamang mangangalakal sa baryo o
komunidad. Bumibili sila ng mga produkto sa
agrikultura tulad ng palay at mais, tabako, kopra,
saging at iba pa. Nagbibili naman sila sa mga magsasaka
ng mga kagamitang pang-agrikultura at kung minsa'y may
mga tindahang nagbibili ng mga pangunahing kailangan sa
baryo. Kung insa'y nagpapautang din sila. Sa pagtaas
ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay
bunga ng pagsasamantala ng imperyalismong Amerikano at
mga katutubong alipuris nito, sila ang kadalsang
napagbubuntunan ng sisi ng mismong imperyalismong
Amerikano at ng reaksiyonaryong pamahalaan. Binibiktima
rin sila ng mabibigat na buwis sa mga produktong
ipinagbibili nila, at ng mga katiwalian ng mga lokal na
burukrata, tulad ng panghuhuthot, pandaraya at
pananakot.
b. Ang mga tungkulin ng Samahan ng mga Makabayang
Mangangalakal ay:
1) pagbuklurin ang mga mangangalakal, lalo na ang
mga maliit at katamtamang mangangalakal, sa
ilalim ng bandila ng demokratikong rebolusyon
ng bayan;
2) magdaos ng mga rebolusyonaryong pag-aaral;
3) ipabatid sa kanila kung paano sila
pinagsasamantalahan at inaapi ng imperyalismong
Amerikano, imperyalismong HApones at mga
katutubong alipuris ng mga ito;
4) ipabatid sa kanila ang patakaran ng Partido ng
paghiling sa kanilang magtakda ng makatwirang
presyo sa mga kalakal na kanilang binibili at
ipinagbibili at pagtulong naman ng mga
mamamayan sa kanila sa pamamagitan ng
pagtangkilik sa kanila bilang tagabili at
tagapagbili ng mga produkto at kalakal;
5) pakilusin sila upang itaguyod ang Partido,
hukbong bayan at ang mga organo ng
kapangyarihang pampulitika sa baryo; at
6) lumahok sa mga aksiyong pangmasa laban sa
imperyalismo, piyudalismo at lahat ng
reaksiyon.
|