PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
PATNUBAY SA PAGTATAYO NG IBA PANG KOMITE NG MGA MAMAMAYAN
Ang mga komiteng ito ay ang Komiteng Pang-organisa ng
mga Manggagawa na sumasaklaw sa mga pagawaan, minahan,
trosohan at linya ng transportasyon at mangisdaan, at ang
Komiteng Pang-organisa ng Eskwelahan na sumasaklaw sa mga
mababang paaralan, mataas na paaralan, kolehiyo at
unibersidad.
Sa mga Pagawaan, Minahan, Trosohan, Linya ng
Transportasyon at Pangisdaan
Sa kasalukuyan, wala pang sampung posiyento ng mga
manggagawa sa buong Pilipinas ang unyonisado. Kung gayon,
tatlong posibilidad ang makakaharap ng isang kadre sa mga
lugar ng trabaho. Isa, walang unyon ang mga manggagawa.
Dalawa,may dilawang unyon. Tatlo, may mapagkaibigang unyon.
Sa bawat kalagayan, dapat pangibabawin ang tunay na
rebolusyonaryong pamumuno ng proletaryado.
I. Panimulang Hakbang
Itatag ang Komiteng Pang-organisa ng mga Manggagawa
(KPM) sa mga lugar o linya ng trabaho matapos ang
pagsisiyasat.
A. Pagbubuo ng KPM
1. Piliin sa hanay ng mga manggagawa ang mga pinakamahuhusay
na elementong may kakayahang mamuno at makipagkaisa sa
mayorya.
2. Matapos ang masusing pag-aaral sa kanila at kasabay ng
pagbibigay ng kamulatan at atas ay hirangin ang mga pinuno.
3. Ang limang pinuno ay ang tagapangulo, pangalawang
tagapangulo, kalihim, ingat-yaman at pinuo sa tanggulan.
a. Ang tagapangulo ay siyang tuwirang mamamahala sa
pagsasakatuparan ng mga kinakailangang atas at
pagpapakilos ng mga kasapi ng komite.
b. Ang pangalawang tagapangulo ay siyang hahalili sa
tagapangulo sa panahong kinakailangan at gaganap pa
rin ng iba pang gawaing iaatas ng tagapangulo.
k. Ang kalihim at siyang magtatala at mag-iingat ng mga
tala.
d. Ang ingat-yaman ay siyang mamamahala sa pinansiya ng
buong komite.
e. Ang pinuno sa tanggulan ay siyang mamamahala sa
kaligtasan ng mga manggagawa.
g. Ang lahat ng kasapi ng komite ay may pantay na
karapatang humiling ng pulong at magharap o
tumalakay ng mga suliranin.
4. Piliin sa kanilang hanay ang mga magiging kandidatong
kasapi ng Partido.
B. Mga Tungkulin ng KPM
1. Imulat ang mga manggagawa sa pangangailangan ng
pagkakaisa at ng tunay na unyonismo at, kung wala pang
unyon, simulan nang mangalap ng mga kasapi sa tunay na
unyon.
2. Ipatid sa mga manggagawa ang kanilang pamumuno sa
pambansang demokratikong rebolusyon ng bayan.
3. Ihanda ang mga manggagawa sa sariling pagtatanggol at sa
pakikipagkaisa sa mga demokratikong uri, lalung-lalo na sa
uring magsasaka.
4. Magmanman sa kilos ng kaaway at magbigay ng maagap na
impormasyon sa mga kasama at masa.
K. Paraan ng Pagpapakilos
1. Magdaos ng mga pulong sa pag-aaral, sa mga suliranin ng
mga manggagawa at sa pagtatala ng mga kahilingan.
2. Magdaos ng mga pulong ng pagbatikos sa kaaway ng mga
mamamayan.
3. Maghanda para sa pagtatayo ng tunay na unyon.
4. Lumutas ng mga pang-araw-araw na mga suliranin.
II. Ang Maunlad na Hakbang
Itatag ang tunay na unyon ng mga manggagawa batay sa
mga sumusunod na kondisyon:
1. Ukol sa mobilisasyon ng masa.
a. Ang unyon ay nakapaglunsad na ng welgang
tinatangkilik ng mayorya o may kakayahan nang kamtin
ang mga kahilingan ng mga manggagawa.
b. Buo na ang nararapat na pamunuan at mga komite sa
loob ng unyon.
k. Handa nang sumanib ang mga manggagawa sa mga
pangkalahatang kilos na pangamsa.
2. Ukol sa Partido: May sangay na ng Partido sa loob ng
unyon at may mga grupo ng Partido sa ilalim ng sangay. Ang
pamumuno ng Partido ay napatutunayan sa gawa. Maaaring
itayo na ang sangay ng Partido kapag mayroon nang tatlo o
higit pang kasapi nsa pabrika kahit hindi pa naitatayo ang
tunay na unyon. Sila ay kadalasang kasapi rin ng KPM.
Sa mga Mababang Paaralan, Mataas na Paaralan,
Kolehiyo at Unibersidad
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga guro at
manggagawa sa mga mababang paaralan, mataas na paaralan,
kolehiyo at unibersidad sa gawain ng pagmumulat sa buong
sambayanan tungkol sa pambansang demokratikong rebolusyon.
Sa hanay nila ay maaaring magtatag ng mga organisasyong
pangmasa at sangay at grupo ng Partido at humugot ng mga
kadre para sa Partido at hukbong bayan.
A. Pagbubuo ng KPE
1. Piliin sa hanay ng mga guro at manggagawa sa eskwelahan
ang mga pinakamahuhusay na elementong may kakayahang mamuno
at makipagkaisa sa mayorya.
2. Matapos ang masusing pag-aaral sa kanila at kasabay ng
pagbibigay ng kamulatan at atas ay hirangin ang limang bubuo
ng KPE at hirangin ang mga pinuno nito.
3. Ang limang pinuno ay ang tagapangulo, pangalawang
tagapangulo, kalihim, ingat-yaman at pinuo sa tanggulan.
4. Ang lahat ng kasapi ng komite ay may pantay na karapatang
humiling ng pulong at magharap o tumalakay ng mga suliranin.
5. Piliin sa kanilang hanay ang mga magiging kandidatong
kasapi ng Partido.
B. Mga Tungkulin ng KPE
1. Imulat ang masa sa pangangailangan ng pagkakaisa upang
malutas ang kanilang mga suliranin.
2. Ihanda ang masa sa sandatahang pakikibaka sa pamamagitan
ng propaganda.
3. Ipabatid sa masa ng estudyante, guro at manggagawa ang
mahalagang papel na maaari nilang gampanan sa rebolusyon:
(a) pagbibigay ng tulong sa Partido at BHB at (b) paglahok
sa sandatahang pakikibaka.
4. Magmanman sa kilos ng kaaway at magbigay ng maagap na
impormasyon sa mga kasama at masa.
K. Paraan ng Pagpapakilos
1. Magdaos ng mga lihim na pulong ng pag-aaral sa mga
suliranin sa eskwelahan at ng mga mamamayan sa
pangkalahatan.
2. Lumutas sa mga pang-araw-araw na suliranin.
3. Magmanman sa mga kilos ng kaaway at mag-ulat ng mga ito
sa kinauukulan.
4. Sirain ang anti-komunista at anti-mamamayang propaganda
ng kaaway.
5. Mangalap ng tulong ng mga mamamayan.
6. Sirain ang balak na gawing reserbang puwersa ng kaaway
ang ROTC at PMT.
7. Magtatag ng sangay ng isang legal na pambansang
demokratikong organisasyon, magtayo ng bagong lokal na
organisasyon na may gayunding katangian, o kaya'y sumama sa
isang dating organisasyon sa paaralan at paunlarin ang
katangian nito.
II. Ang Maunlad na Hakbang
Itatag ang sangay ng Partido kapag mayroon nang tatlong
kasapi ng Partido sa eskwelahan. (Mawawala na ang KPE kapag
nabuo na ang sangay ng Partido.)
###
Back to top
|