PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
BALANGKAS NG ULAT NG MGA PANTERITORYONG PAMATNUGUTAN SA OPERASYON NG BAGONG HUKBONG BAYAN
Ang mga panteritoryong pamatnugutan ng Bagong Hukbong
Bayan ay dapat sumunod sa balangkas na ito sa pag-uulat nila
sa nakatataas na pamatnugutan. Ang Panrehiyong Pamatnugutan
sa Operasyon ay sumusunod din sa balangkas na ito sa
pag-uulat sa Komisyong Militar upang magkaraoon ng sapat na
impormasyon at kabatiran ang mga sentral na organo ng
Partido para sa pamalagiang pamamatnubay nito sa Bagong
Hukbong Bayan sa pagsasakatuparan ng kanyang mga gawain at
tungkulin sa rebolusyon.
I. Pampulitika
1. Kalagayan sa kaisipan, paniniwala at antas ng pagkamulat
ng mga mamamayan sa saklaw ng pamatnugutan; mga isyu na
ginagamit sa pagmumulat ng mga mamamayan at mga ginanap na
pulong sa pakikibaka ng mamamayan.
2. Gawain ng hukbo tungkol sa pagtatatag ng: a) komite ng
mga mamamayan tulad ng KPB, KRB, KPK, KPM at KPE; at b) mga
organisasyong pangmasa tulad ng samahan ng mga magsasaka,
manggagawa, mangingisda, kabataan, kababaihan, mga bata at
alagad ng sining. Bilang ng mga organisasyong pangmasa at
bilang ng kasapian ng mga organisasyong pangmasa.
3. Mga hakbang ng hukbong bayan sa paglutas ng mga suliranin
ng mga mamamayan ukol sa organisasyon, edukasyon, kabuhayan,
tanggulan at kalusugan.
4. Mga pangunahing kaaway (uri, grupo at elemento) at ang
kanilang aktibidades sa saklaw ng pamatnugutan, at ang mga
ginagawang hakbang at pamamaraan ng hukbong bayan upang
sila'y labanan. Dahilan at bunga sa hanay ng mga mamamayan
ng mga nagawang paglilinis sa kaaway.
5. Mga pangmasang pampropaganda ng hukbong bayan: a) mga
babasahing ipinamumudmod, b) mga dulang itinatanghal, k) mga
awitin at tulang pinalalaganap.
II. Pang-Ekonomiya
1. Kalagayan sa pamumuhay ng mga mamamayan at mga hakbang
upang sila'y matulungan, tulad ng pagpapalaki sa parte ng
magsasaka, pagpapababa ng patubo sa utang, pamumudmod ng
sakahan kung mayroon, pagtulong upang magkaroon ng
hanapbuhay ang mga walang pinagkakakitaan at mga ginagamit
na pagtuturo upang mapahusay ang pamumuhay ng mamamayan.
2. Sa ilalim ng KPB, mga naitatag na kooperatiba sa
produksiyon, pagbibili at pamimili at pondo sa pagtutulungan
at kabuuang katayuan ng mga komite sa pangkabuhayan sa mga
baryong mayroon nito.
3. Antas at anyo ng pagtulong ng mga mamamayan sa hukbong
bayan para sa pangangailangan nito.
4. Kalagayan sa pamumuhay ng mga pamilya ng mga mandirigma
at ang hakbang ukol dito.
III. Pangmilitar
A. Ang Kagawarang Pampulitika
1. Kalagayan at gawain
a. pagbubuo ng Partido at hukbo sa pagsasanay sa
pulitika
b. seksiyon sa propaganda at kultura
k. seksiyong pang-instruktor
d. seksiyon sa publikasyon
2. Mga suliranin ng kagawaran at mga ginawang hakbang
sa paglutas ng mga ito.
B. Kagawaran sa Pagsasanay at Tauhan
1. Kalagayan at gawain
a. seksiyon sa pagsasanay
b. seksiyon sa tauhan
k. seksiyong medikal
2. Mga suliranin ng kagawaran at mga ginawang hakbang
sa paglutas ng mga ito.
K. Kagawaran sa Paniniktik, Pagbabalak at Operasyon
1. Kalagayan at gawain
a. seksiyon sa paniniktik
b. seksiyon sa pagbabalak
k. seksiyon sa operasyon
2. Mga suliranin ng kagawaran at mga ginawang hakbang
sa paglutas ng mga ito.
D. Kagawaran sa Panustos at Komunikasyon
1. Kalagayan at gawain
a. seksiyon sa panustos
b. seksiyon sa komunikasyon
k. kabuhayan at produksyon ng hukbo
2. Mga suliranin ng kagawaran at mga ginawang hakbang
sa paglutas ng mga ito.
IV. Pagtatayo ng Partido
A. Pang-Ideolohiya
1. Mga pag-aaral para sa mga kasapi, bilang ng klase at
bilang ng mga mag-aaral.
2. Mga pulong ng pagallagom, pagatatalakayan sa mga
sulirnain at gawain, at pamumuna at
pagpuna-sa-sarili, dalas ng pulong at resulta.
3. Mga babasahing mula sa Kagawaran sa Edukasyon at iba
pa.
4. Dalas ng pakikinig sa Radyo Peking.
B. Pang-Organisasyon
1. Bilang ng mga sangay at grupo ng Partido sa hukbo at
bilang ng mga kasapi sa kabuuan.
2. Bilang ng naitatag na sangay at grupo ng Partido sa
mga baryo, pook at mga organisasyong pangmasa, at
bilang ng mga kasapi sa kabuuan.
3. Mga pulong ng mga namumunong komite upang matiyak
ang kolektibong pamumuno.
4. Kabuuang butaw ng mga kasapi.
V. Mga Mungkahi at Kahilingan
1. Pampulitika
2. Pang-Ekonomiya
3. Militar
4. Pagbubuo ng Partido
____________________________
Komander
____________________________
Direktor na
Pampulitika
____________________________
Petsa
Paliwanag:
Ipinaaabot kaagad ng Pambansang Pamatnugutan sa
Operasyon ang mga ulat ng Panrehiyong Pamatnugutan sa
Operasyon sa Komisyong Militar.
Ang mga Panrehiyong Pamatnugutan sa Operasyon ay dapat
ding gumawa ng mga espesyal na ulat sa mga labanang tuwirang
pinangangasiwaan nito o mga malalaking labanan at ukol sa
iba't ibang pangyayari na dapat kagyat na isangguni o
ipaabot sa mga nakatataas na organo. Gawing patnubay sa
paghahanda ng mga espesyal na ulat ukol sa mga labanan ang "Espesyal na Ulat ukol sa mga Labanan" na inihanda para sa
mga iskwad.
###
Back to top
|