PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
7. Samahan ng mga Makabayang Alagad ng Sining
a. Ang mga kasapi ay kinabibilangan ng mga may hilig at
kakayahan sa iba't ibang larangan ng sining tulad ng
mga magtatanghal ng dula, mang-aawit, makata,
manunugtog at iba pa. Ang mga samahang ito ay binubuo
sa mga lokalidad upang maigupo ang bulok na kulturang
piyudal at burges at upang mapalaganap ang rebolusyonaryong kultura ng mga mamamayan. Kung minsan
ay may matatagpuan nang mga samahang pangkultura sa
lokalidad. Ang mga ito'y maaaring gawing
rebolusyonaryong samahang pangkultura.
b. Ang mga tungkulin ng Samahan ng mga Makabayang
Alagad ng Sining ay:
1) pagbuklurin ang lahat ng may hilig at kakayahan
sa iba't ibang larangan ng sining sa ilalim ng
bandila ng demokratikong rebolusyon ng bayan;
2) magtanghal ng mga rebolusyonaryong dula at
magpalaganap ng mga rebolusyonaryong awitin,
tula at iba pang likhang sining sa mga
lokalidad;
3) magpalitaw ng mga kadre at kasapi ng Partido
mula sa hanay ng mga alagad ng sining;
4) magdaos ng mga rebolusyonaryong pag-aaral;
5) mangalap ng pondo mula sa mga pagtatanghal
pangkultura;
6) lumahok sa mga aksiyong pangmasa laban sa
imperyalismo, piyudalismo at lahat ng
reaksiyon.
|