PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
BALANGKAS NG ULAT NG MGA PANREHIYONG KOMITE NG PARTIDO
SA KOMITE SENTRAL
Isang balangkas ng pag-uulat ng gaya ng sumusunod ang
dapat pairalin at ipatupad upang mabigyan ng maagap na
impormasyon tungkol sa kalagayan sa mga rehiyon ang Komite
Sentral at mga Pambansang Kawanihan sa ilalim ng Kalihiman
para sa mas mahusay at mabilis nitong pamamtnubay sa mga
nakabababang organo ng Partido. Mahahati ito sa limang
bahagi: 1) Kalagayang Pang-ideolohiya; 2) Kalagayang
Pampulitika; 3) Kalagayang Pang-organisasyon; 4) Kalagayang
Pang-ekonomiya; at 5) Kalagayang Pangmilitar.
I. Kalagayang Pang-Ideolohiya
1. Naisasagawa ba nang mahusay ang mga pulong ukol sa mga
kalagayan at suliranin, paglalagom, pamumuna at
pagpuna-sa-sarili? Gaano kadalas sa bawat antas at bawat
yunit?
2. Ilan na ang naidaos na pag-aaral sa kursong primarya at
intermedya? Ano ang kabuuang bilang ng nagsipagtapos sa
dalawang antas na ito? Gaano katagal na panahon ang inilaan
para sa dalawang antas na ito ng pag-aaral?
3. Anu-ano ang mga tekstong ginamit sa pag-aaral?
4. Ilang kasapi ng Komiteng Panrehiyon at mga kawanihan sa
ilalim nito ang nakatapos ssa dalawang antas?
5. Ilan na ang mga instruktor sa ilalim ng Kawanihan sa mga
Instruktor at ilan naman sa ilalaim ng Kagawarang
Pampulitika ng Bagong Hukbong Bayan?
6. Anu-ano at ilan bawat pamagat ng pangunahing dokumento
at publikasyon ng Partido ang natanggap at naipamahagi na?
7. Ano ang mga dokumentong nailimbag at naipamahagi sa loob
ng rehiyon?
8. Naipamamahagi ba nang sistematiko ang mga sipi ng Ang
Bayan?
9. Ilang lider ng iskwad at giyang pampulitika ang
nakatapos na sa kursong primarya at intermedya? Ilang
karaniwang mandirigma ang nakatapos na sa kursong primarya?
10. Anu-ano ang mga suliranin at mungkahi ng rehiyon sa
Komite Sentral upang mapataas ang ideolohiya sa rehiyon?
II. Kalagayang Pampulitika
1. Anu-ano ang mga isyung pambansa at lokal na iniharap ng
KOmiteng Panrehiyon upang mapukaw at mapakilos ang masa?
Anu-ano ang mga aksiyong pangmasang idinaos (demonstrasyon,
welga, martsa, piket, atbp.) at saang mga lugar?
2. Anu-ano ang mga islogan na iniharap natin sa masa ng mga
magsasaka sa kanayunan?
3. Ilan na ang KPB, KRB, KPK na naitatag at kumikilos na?
Ilan sa buong rehiyon, sa bawat lalawigan at sa bawat bayan?
4. Ano ang kabuuang bilang ng kasapi ng iba't ibang
organisasyong pangmasa na pinakikilos ng Partido? Ano ang
mga gawain nila?
5. Anu-ano ang mga gabay na nailabas na ng Komiteng
Panrehiyon para sa nakabababang antas at organo sa rehiyon?
6. Ano ang kalagayan ng mga magsasaka, manggagawa,
mangingisda, kabataan at intelaktwal, pambansang minorya at
kababaihan sa mga lalawigan, distrito, munisipalidad?
(Sagutin ito bawat tatlong buwan batay sa pagsisiyasat.)
7. Sinu-sino sa malalaking panginoong maylupa, malalaking
burukrata at panginoong-militar ang mga pangunahing kaaway
ng mga mamamayan?
8. Anu-ano ang mga isyu na pinag-aawayan ng mga
naghaharing-uri sa rehiyon?
9. Anu-ano ang mga paraan at porma na ginagamit sa paglaban
sa rebisyonismo? Saang lugar namumugad ang mga rebisyunita?
Anu-anong porma ang pakikipagkutsabahan nila sa
reaksiyonaryong pamahalaan?
10. Ilan ang mga simpatisador na tumutulong sa atin at
napakikilos natin? Anu-ano ang porma ng kanilang pagtulong?
11. Anu-ano ang mga pahayagan at babasahin na napakikilos
at naiimpluwensyihan ng Partido sa rehiyon?
12. Anu-ano ang mga suliranin at mamumungkahi ng rehiyon sa
Komite Sentral tungkol sa pulitika?
III. Kalagayang Pang-Organisasyon
1. Ano ang katayuan ng mga organo at kawanihang dapat nasa
ilalim ng Komiteng Panrehiyon?
2. Ano ang kabuuang bilang ng kasapi at kandidatong kasapi
sa rehiyon?
3. Ilan ang sangay at grupo ng Partido na naitatag na sa
mga lokalidad, organisasyong pangmasa at Bagong Hukbong
Bayan?
4. Ilan na ang naitayong komiteng panseksiyon, pandistrito
at panlalawigan? Saan? Ilang sangay ang nasa ilalim ng
bawat seksiyon?
5. Anu-ano ang mga suliraning panseguridad na nakakaharap
sa rehiyon?
6. Anu-ano ang mga suliranin at mungkahi ng rehiyon sa
Komite Sentral tungkol sa organisasyon?
IV. Kalagayang Pang-Ekonomiya
1. Sa ilang lugar (baryo at bayan) tayo nakapagpababa na ng
upa sa lupa at interes sa pautang?
2. Anu-ano pa ang ibang pamamaraan natin upang matulungan
ang mga mamamayan sa kanilang pakikibakang pangkabuhayan?
3. Anu-ano ang mga porma ng kooperatiba (pautangan,
pagbibili at pamproduksyon) ang naitatag na ng Partido sa
mga lokalidad?
4. Anong porsiyento ng pangkalahatang buwanang gastos ng
rehiyon ang nanggagaling sa masa? Anu-ano ang porma ng
pagtulong sa atin ng masa sa larangan ng kabuhayan?
5. Anu-ano ang mga welgang inilunsad ng mga manggagawa
(kasama ang mga manggagawang pambukid) upang ipakipaglaban
ang kanilang kahilingang pang- ekonomiya? Anu-ano ang mga
kahilingan nila?
6. Anu-ano ang iba pang aksiyong pangmasa (demonstrasyon,
rally) na inilunsad sa mga lalawigan o buong rehiyon na may
kinalaman sa mga suliraing pang- ekonomiya?
7. Anu-ano ang mga suliranin at mungkahi ng rehiyon sa
Komite Sentral ukol sa ekonomiya?
V. Kalagayang Pang-Militar
1. Ilan ang sandatahang yunit pampropaganda (iskwad) na
kumikilos sa rehiyon? Ilang yunit ang nakatalaga sa
pagpapalwak? Ilang yunit ang nakatalaga sa pagpapatatag?
2. Ano ang pinakamalaking pormasyon sa rehiyon?
3. Ilang baryo ang may milisyang bayan (tanggulan)? Gaano
karami ang mga kasapi nito?
4. Ilan ang pangkat ng mga gerilyang lokal? Gaano karami
ang mga kasapi nito?
5. Ano ang kabuuang bilang ng mga sandata? Anu-ano ang mga
tipo ng armas?
6. Bukod sa mga sandatang pumuputok, ano pa ang mga klase
ng sandatang ginagamit ng mga sandatahang puwersa (itak,
pana, atbp.)?
7. Ilan ang naparusahan o nalipol na: a) mangangamkam ng
lupa, b) ahente ng kaaway, k) tulisan, at d) iba pang
masasamang elemento?
8. Anu-ano ang mga operasyong militar na inilunsad ng
kaaway sa rehiyon? Ano ang saklaw ng mga operasyong ito
(bilang ng tauhan, mga baryo o bayang sinasaklaw, mga yunit
ng kaaway na lumahok, tagal ng operasyon)? Ano pa ang ibang
gawain ng hukbo ng kaaway? Saan?
9. Ano ang kabuuang disposisyon ng mga tropa ng kaaway sa
rehiyon (dami ng tauhan, yunit ng sandatahang lakas, armas
at kagamitan)?
10. Ano ang mahahalagang pangyayaring militar (ambus, raid,
sagupaan, atbp.) na nilahukan ng hukbong bayan? (Sa
pagsagot sa katanungang ito, sumangguni sa balangkas tungkol
sa paggawa ng espesyal na ulat tungkol sa mga labanan.)
__________________________
Panrehiyong Kalihim
_________________________
Petsa
Paliwanag: Ang mga hiwalay na ulat ng mga kawanihang
panrehiyon at panlalawigan (kung mayroon) ay dapat ilakip sa
pangkalahatang ulat upang maipaabot sa mga pambansang
kawanihan.
###
Back to top
|