PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
PATNUBAY SA PAGTATAYO NG MGA ORGANO NG KAPANGYARIHANG PAMPULITIKA
SA MGA BARYO SA LUNSOD AT POBLASYON
Ang pagkakaiba ng mga baryo sa loob ng lunsod at
poblasyon sa nakararaming baryo ay ito: ang una ay
tinitirahan ng iba't ibang uri at ang huli ay tiyak na
tinitirahan ng lalong nakararaming magsasaka.
I. Ang Panimulang Hakbang
Itatag ang Komiteng Pang-organisa ng Komunidad (KPK)
matapos ang pagsisiyasat.
A. Pagbubuo ng KPK
1. Piliin sa hanay ng mga mamayan ang mga pinakamahuhusay na
elementong may kakayahang mamauno at makipagkaisa sa
mayorya.
2. Matapos ang masusing pag-aaral sa kanila at kasabay ng
pagbibigay ng kamulatan at atas, hirangin ang limang bubuo
sa KPK at hirangin din ang mga pinuno.
3. Ang limang pinuno ay ang tagapangulo, pangalawang
tagapangulo, kalihim, ingat-yaman at pinuno sa tanggulan.
4. Ang lahat ng kasapi ng komite ay may pantay-pantay na
karapatang humiling ng pulong at maglantad o tumalakay ng
mga suliranin.
5. Piliin ang mga magiging kandidatong kasapi ng Partido.
B. Mga Tungkulin ng KPK
1. Imulat ang masa sa pangangailangan ng pagkakaisa upang
lutasin ang kanilang mga suliranin.
2. Ihanda ang masa sa sandatahang pakikibaka.
3. Ipabatid sa masa ang mahalagang papel na ginagampanan
nila sa rebolusyon: (a) pagbibigay ng tulongsa Partido at
BHB at (b) paglahok sa sandatahang pakikibaka.
4. Magmanman sa kilos ng kaaway at magbigay ng maagap na
impormasyon sa mga kasama at masa.
K. Paraan ng Pagpapakilos
1. Magdaos ng mga lihim na pulong ng pag-aaral sa mga
suliranin ng mga mamamayan.
2. Lumutas sa mga pang-araw-araw na suliranin.
3. Magmanman, magsawata at tumulong sa paglilinis sa mga
kaaway ng mga mamamayan.
4. Mangalap ng tulong ng mga mamamayan sa lunsod at
poblasyon.
5. Magtatag ng sangay ng isang legal na pambansang
demokratikong organisasyon, magtatag ng bagong lokal na
organisasyon na may gayunding katangian o kaya'y sumama sa
isang dating organisasyon sa komunidad at paunlarin ang
katangian nito.
II. Ang Maunlad na Hakbang
Itatag ang sangay ng Partido kapag mayroon nang tatlong
kasapi ng Partido sa komunidad. (Mananatili ang KPK kahit
may sangay na ng Partido.)
###
Back to top
|