CPP Home Page   Publications  References  Organizations 

Features

  Multimedia  Utilities  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT

Ikalawang Edisyon

Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas
1972

Paunang Salita sa Unang Edisyon

Ipinakikita ng Pang-Organisasyong Patnubay at mga Balangkas ng Ulat sa lahat ng kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas ang paraan sa pagpapaugat at pngangasiwa ng mga gawain sa batayang antas. Binibigyang-diin nito sa mga batayang organisasyon at sa kanilang pamunuan ang pangangailangan ng pagpapadala ng mga ulat sa mga nakatataas na organo.

Ginawa ng Komite Sentral ang patnubay na ito upang ipatupad ng pambansang pamatnugutan sa Operasyon ng Bagong Hukbong Bayan at ng anim na hinirang o halal na komiteng panrehiyon ng Partido: Hilagang Luzon, Gitnang Luzon, Maynila-Rizal, Timog Luzon, Bisaya at Mindanao.

Ang patnubay na ito ay dapat talakayin ng lahat ng sangay at grupo ng Partido, lahat ng iskwad at platun ng Bagong Hukbong Bayan at lahat ng kadreng nasa mga organo ng kapangyarihang pampulitika at mga organisasyong pangmasa.

Dapat pag-aralan ng lahat ng kumukuha ng kursong primarya ang paksa ng batayang gawaing pang-organisasyon at pag-uulat batay sa teksto ng Pang- Organisasyong Patnubay at mga Balangkas ng Ulat.

Inaasahan ang mga kadre at kasapi ng Partido na magbigay ng mga opinyon at mungkahi tungkol sa lalong pagpapahusay ng patnubay na ito batay sa kanilang rebolusyonaryong praktika.

Dapat pag-aralan at ipatupad ang simulain ng demokratikong sentralismo sa ating buhay pang-organisasyon. Tungkol dito, sumipi tayo sa Artikulo IV ng ating Saligang Batas:

Seksiyon 1. Ang balangkas ng Partido ay ibabatay sa simulain ng demokratikong sentralismo, ibig sabihi'y sentralismong nababatay sa demokrasya at demokrasyang napaiilalim sa sentralisadong pamumuno. Ang mga batayang kondisyon ay ang mga sumusunod:

a. Ang mga namumunong organo ng Partido sa lahat ng antas ay ihahalal at may pananagutan sa mga organisasyon o komperensya ng Partido na naghalal sa kanila.

b. Matapos ang malaya at puspusang talakayan, ang mga desisyon ng Partido ay ipatutupad nang walang pagtatangi:

1) Ang indibidwal ay napaiilalim sa organisasyon.

2) Ang minorya ay napaiilalim sa mayorya.

3) Ang mababang antas ay napaiilalim sa nakatataas na antas.

4) Ang lahat ng kasapi ay napaiilalim sa Komite Sentral at Pambansang Kongreso.

k. Laging bibigyan ng masusing pansin ng mga namumunong organo ng Partido ang mga ulat at palagay ng mga nakababang organo ng Partido at ng masang kasapi ng Partido at lagi silang magpapaabot ng maagap na tulong sa paglutas ng mga suliranin.

d. Ang mga nakababang organisasyon ng Partido ay kailangang magpasok ng mga regular at espesyal na ulat tungkol sa kanilang gawain sa organisasyong nakatataas sa kanila at kailangang maagap na humingi ng tagubilin tungkol sa mga suliraning nangangailangan ng desisyon ng mas mataas na organisasyon ng Partido.

e. Lahat ng organisasyon ng Partido ay dapat sumunod sa simulain ng kolektibong pamumuno at lahat ng mahahalagang sulirnain ay sama- samang pagpapasiyahan.

KOMITE SENTRAL Hunyo 1, 1971

Sandatahan natin ang ating sarili ng di-magagaping Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung!

Back to top



MGA NILALAMAN

Paunang Salita sa Unang Edisyon

Paunang Salita sa Ikalawang Edisyon

UNANG BAHAGI

Patnubay sa Pagsusuri ng Kandidatong Kasapi Tungo sa Pagiging Ganap na Kasapi

Mga Kaukulang Probisyon sa Saligang Batas ng Partido Komunista ng Pilipinas


IKALAWANG BAHAGI

Balangkas ng Ulat ng mga Panrehiyong Komite ng Partido sa Komite Sentral

Karagdagang Paliwanag Ukol sa mga Tungkulin ng Pamunuan ng Sangay ng Partido

Ulat ng Sangay ng Partido sa Platun o Grupo ng Partido sa Iskwad ng BHB sa Kagyat na Nakatataas na Organo ng Partido

Ulat ng Lokal na Sangay ng Partido sa Kagyat na Nakatataas na Organo ng Partido

Ulat ng Grupo ng Partido sa Organisasyong Pangmasa sa Kagyat na Nakatataas na Organo ng Partido

IKATLONG BAHAGI

Balangkas ng Ulat ng mga Panteritoryong Pamatnugutan sa Operasyon ng BHB

Paglilinaw sa mga Tungkulin ng Iskwad at Pamunuan ng Iskwad ng BHB

Patnubay sa Paghahanda ng Ulat ng Iskwad

I. Ulat ng Pagsisiyasat

II. Buwanag Ulat

III. Espesyal na Ulat Ukol sa mga Labanan

IV. Ipa Pang Espesyal na Ulat

IKAAPAT NA BAHAGI

Patnubay sa Pagtatayo ng mga Organo ng Kapangyarihang Pampulitika

Sa Kanayunan

Sa mga Baryo sa Lunsod at Poblasyon

Patnubay para sa Hukumang Bayan

Patnubay sa Pagtatayo ng Iba Pang Komite ng mga Mamamayan

Patnubay para sa mga Rebolusyonaryong Organisasyong Pangmasa

1. Samahan ng mga Manggagawang Makabayan

2. Samahan ng mga Magsasakang Makabayan

3. Samahan ng mga Mangingisdang Makabayan

4. Samahan ng mga Kabataang Makabayan

5. Samahan ng mga Kababaihang Makabayan

6. Samahan ng mga Batang Makabayan

7. Samahan ng mga Makabayang Alagad ng Sining

8. Samahan ng mga Makabayang Mangangalakal







[ CPP Home Page|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.