PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
2. Samahan ng mga Magsasakang Makabayan
a. Ang karamihan sa mga kasapi nito ay mga maralitang
magsasaka at mababang panggitnang magsasaka at mga
nangungunang aktibista mula sa mga paggitnang
magsasaka. Kung minsan, matatagpuan ng mga kadre ang
mga samahang pangmagsasakangnaitayo na ng mga
repormistang samahang pambansa. Ang mga ito ay
maaaring gawing mga rebolusyonaryong samahang
pangmagsasaka.
b. Ang mga tungkulin ng Samahan ng mga Magsasakang
Makabayan ay:
1) pagbuklurin ang lahat ng maralitang magsasaka,
hikayatin ang mga panggitnang magsasaka at
neutralisahin ang mga mayamang magsasaka sa
pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at
rebolusyong agraryo;
2) magpalitaw ng mga kadre at mga kasapi ng
Partido mula sa mga maralita at panggitnang
magsasaka na magiging sandigan ng mga
rebolusyonaryong komite ng baryo;
3) tumulong sa pag-oorganisa ng mga pulong ng
pakikibaka laban sa mga mapagsamantala at
ipaglaban ang pagbabawas ng upa sa lupa at
interes sa pautang at kung maaari'y ang
kumpiskasyon ng mga lupain o hindi pagbabayad
ng upa sa lupa sa mga panginoong- maylupa;
4) magdaos ng mga rebolusyonaryong pag-aaral;
5) mangalap ng mga Pulang mandirigma mula sa uring
magsasaka;
6) magpalawak at magpaunlad ng produksiyon at
kooperasyong pansakahan upang makatulong sa
rebolusyonaryong pakikibaka; at
7) lumahok sa mga aksiyong pangmasa laban sa
imperyalismo, piyudalismo at lahat ng
reaksiyon.
|