PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
Ikalawang Edisyon
Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas
1972
Paunang Salita sa Ikalawang Edisyon
Ang ikalawang edisyon ng Pang-Organisasyong Patnubay at
mga Balangkas ng Ulat ay nagtataglay ng mahahalagang susog at karagdagan batay sa paglalagom ng karanasan at
pang-organisasyong pagsulong ng Partido. Dito'y lalong
nililinaw ang pangangasiwa sa mga gawain sa batayang antas
at ang ugnayan ng mga nakatataas na antas at mga
nakabababang antas ng Partido at hukbong bayan.
Kabilang sa mahahalagang karagdagan na nasa edisyong
ito ang Balangkas ng Ulat ng mga Panrehiyong Komite ng
Partido sa Komite Sentral, Balangkas ng Ulat ng mga
Panteritoryong Pamatnugutan sa Operasyon ng Bagong Hukbong
Bayan at ang Patnubay para sa Hukumang Bayan. Nagkaroon din
ng mahahalagang susog sa Patnubay sa Pagtatayo ng mga Organo
ng Kapangyarihang Pampulitika at sa Patnubay para sa mga
Rebolusyonaryong Organisasyong Pangmasa.
Inaasahang ang mahahalagang karagdagan at susog na nasa
edisyong ito ay ipatutupad ng mga komiteng panrehiyon ng
Partido at ng Pambansang Pamatnugutan sa Operasyon ng Bagong
Hukbong Bayan. Inaasahan ding ito'y patuloy na pag- aaralan
at tatalakayain ng lahat ng sanagay at grupo ng Partido,
lahat ng iskwad at platun ng Bagong Hukbong Bayan at lahat
ng kadreng nasa nga organo ng kapangyarihang pampulitika at
mga organisasyong pangmasa.
KOMITENG TAGAPAGPAGANAP
Back to top
|