PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
PATNUBAY SA PAGTATAYO NG MGA ORGANO NG KAPANGYARIHANG PAMPULITIKA
SA KANAYUNAN
Bilang tugon sa demokratikong kahilingan ng
kasalukuyang yugto ng rebolusyon, ang organo ng
kapangyarihang pampulitika ng mga mamamayan sa kanayunan sa
kalikasan ay isang pamahalaan ng nagkakasiang prente laban
sa piyudalismo. Sa pagtatatag ng kapangyarihang pampulitika sa kanayunan, dapat bigyang-diin ang makauring patakaran ng
pagtitiwala pangunahin sa mga maralitang magsasaka at manggagawang pambukid, pagsisikap na makuha sa ating panig
ang mga panggitnang magsasaka (laluna ang mga namumukod na aktibista nito) at pagneutralisa sa mga mayamang magsasaka.
Isama rin sa hanay ng mga magsasaka ang mga manggagawa, guro
at iba pang maunlad na elemento na nakatira sa baryo.
I. Ang Panimulang Hakbang
Itatag ang Komiteng Pang-organisa ng Baryo (KPB)
matapos ang pagsisiyasat.
A. Pagbubuo ng KPB
1. Piliin sa hanay ng mga mamayan ang mga pinakamahuhusay na
elementong may kakayahang mamauno at makipagkaisa sa
mayorya.
2. Matapos ang masusing pag-aaral sa kanila at kasabay ng
pagbibigay ng kamulatan at atas ay hirangin ang mula sa lima
hanggang sampung bubuo sa komite at hirangin din ang mga
pinuno.
3. Ang limang pinuno ay ang tagapangulo, pangalawang
tagapangulo, kalihim, ingat-yaman at pinuno sa tanggulan:
a. Ang tagapangulo ay siyang tuwirang mamamahala sa
pagsasakatuparan ng mga kinakailangang atas o
pagpapakilos ng mga kasapi ng komite.
b. Ang pangalawang tagapangulo ay siyang hahalili sa
tagapangulo sa panahong kinakailangan at gaganap pa
rin ng iba pang gawaing iaatas ng tagapangulo.
k. Ang kalihim at siyang magtatala at mag-iingat ng mga
tala ng komite.
d. Ang ingat-yaman ay siyang mamamahala sa pinansiya ng
buong komite.
e. Ang pinuno sa tanggulan ay siyang mamamahala sa
kaligtasan ng baryo at yunit pampropaganda at sa
simula, siya ang may tuwirang ugnayan sa mga kasapi
sa tanggulan.
g. Ang lahat ng kasapi ng komite ay may pantay-pantay
na karapatang humiling ng pulong at magharap o
tumalakay ng mga suliranin.
4. Piliin sa hanay ng KPB ang mga magiging kandidatong
kasapi at kasapi ng Partido.
B. Mga Tungkulin ng KPB
1. Imulat ang masa sa pangangailangan ng pagkakaisa upang
lutasin ang kanilang mga suliranin.
2. Ihanda ang mga sangkap ng pagbubuo ng KPB:
a. mga organisasyong pangmasa ng mga magsasaka,
manggagawa, mangingisda, kabataan, kababaihan at mga
bata; at
b. mga hinubog na magiging kagawad ng KRB.
3. Ihanda ang masa sa sandatahang pakikibaka.
4. Ipabatid sa masa ang mahalagang papel na kanilang
ginagampanan sa pambsang demokratikong rebolusyon: (a)
pagbibigay ng tulongsa Partido at BHB at (b) paglahok sa
sandatahang pakikibaka.
5. Magmanman sa kilos ng kaaway at magbigay ng maagap na
impormasyon sa mga kasama at masa.
K. Mga Paraan ng Pagpapakilos
1. Magdaos ng mga pulong ng pag-aaral sa mga suliranin ng
mga mamamayan.
2. Magdaos ng mga pulong ng pagbatikos sa kaaway ng mga
mamamayan.
3. Lumutas sa mga pang-araw-araw na suliranin.
4. Magmanman, maglinis at magsawata sa mga kaaway ng mga
mamamayan tulad ng mga mapaniil na panginoong-maylupa at
opisyal, magnanakaw ng kalabaw, mangingikil, tulisan at
basagulero.
II. Ang Maunlad na Hakbang
Itatag ang Komiteng Rebolusyonaryo ng Baryo (KRB) batay
sa mga sumusunod na kondisyon:
1. Ukol sa mobilisasyon ng masa:
a. Buo na ang baryo at malinis o nasawata na ang mga
kaaway ng mga mamamayan.
b. Napababa man lamang ang upa sa lupa at interes sa
pautang.
k. Handa na ang mga organisasyong pangmasa ng ma
magsasaka, manggagawa, mangingisda, kabataan,
kababaihan at mga bata, o karamihan man lamang nito.
d. Handa na ang limang komite na nasa ilalim ng KRB:
mga komite sa edukasyon, tanggulan, ekonomiya at
kalusugan.
2. Ukol sa Partido: Sa baryo ay may sangay na ng Partido na
maaaring kumilos sa loob ng rin ng KRB. Ang pag-iral ng
sangay ng Partido sa loob ng KRB at ng BHB ay pagpapatunay
ng liderato ng proletaryado. Ang pamumuno ng sangay ng
Partido ay napatutunayan sa gawa. Mainam na kung ang
sangkatlo (1/3) ng bubuo sa KRB ay mga kasapi ng Partido.
A. Paraan ng Pagtatatag ng KRB
1. Magdaos ng halalan na dadaluhan ng mga hepe de pamilya at
mga organisasyong pangmasa sa pamamatnubay ng sangay ng
Partido. (Lahat ng mamamayan na may labingwalong taong
gulang ay may karapatang bumoto).
2. Ipahalal sa buong baryo ang pangkalahatang komite ng KRB
na may 15 kasapi o anumang nararapat na bilang.
3. Ipahalal sa pangkalahatng komite ang pangkalahatang
tagapangulo at ang mga tagapangulo ng limang komite.
4. Ang mga nahalal na tagapangulo ng limang komite ay siyang
magrerekomenda sa KRB ng mga bubuo sa kani-kanilang komite;
ang mga kasapi ay maaaring hugutin mula sa masa.
5. Ang sinumang nanunungkulan ay maaaring alisin anumang
oras batay sa sa kahilingan ng mayorya ng mga mamamayan at
sa desisyon ng KRB.
B. Mga Tungkulin ng KRB
1. Tumayo bilang organo ng kapangyarihang pampulitika ng
baryo.
2. Mamahala sa organisasyon, edukasyon, atnggulan, ekonomiya
at kalusugan sa baryo.
3. Mamahala sa hukumang bayan (kadalsang binubo ng mga
kinatawan ng Partido, hukbo at KRB).
4. Magmanman sa mga kilos ng kaaway at magbigay ng maagap na
impormasyon sa mga kasama at masa.
K. Mga Tungkulin ng mga Pinuno at mga Komite
1. Mga Pinuno
a. Ang pangkalahatang tagapangulo ay siyang
mamamatnugot sa KRB at tagapag-ugnay ng limang
komite.
b. Ang tagapangulo ng komite sa organisasyon ay ang
pangkalahatang pangalawang tagapangulo, siya ang
tagapag-ugnay ng mga organisasyong pangmasa at siya
ang gaganap ng iba pang gawaing iaatas ng
tagapangulo.
k. Ang tagapangulo ng komite sa edukasyon ay siyang
magiging kalihim ng KRB.
d. Ang tagapangulo ng komite sa ekonomiya ay siyang
magiging ingat-yaman ng KRB.
e. Ang bawat tagapangulo ng limang komite ng KRB ay
siyang mamamatnugot sa kani-kanilang komite.
2. Mga Komite
a. Ang komite sa organisasyon ay siyang mamamahala sa
pag-ugany ng mga organisasyong pangmasa tulad ng sa
magsasaka, manggagawa, mangingisda, kabataan,
kababaihan, mga bata at iba pa para sa
pagsasakatuparan ng mga patakaran at gawain ng KRB.
b. Ang komite sa edukasyon ay siyang mamamahala sa
pagtatamo ng kamulatang makauri at rebolusyonaryo at
sa pagpapatakbo ng mga paaralan (mababang paaralan
at paaaralang pangmasa).
k. Ang komite sa tanggulan ay siyang mamamahala sa
panloob na kaayusan at pagsugpo sa kaaaway ng mga
mamamayan; ito ay siyang mamamahala rin sa yunit ng
milisya o ng pagtatanggol sa sarili (halimbawa, mga
bolo iskwad) bilang sandigan ng lokal na
kapangyarihang pampulitika at bilang puwersang
reserba at pantulong sa hukbong bayan.
d. Ang komite sa ekonomiya ay siyang mamamahala sa
pagpapaunlad ng produksiyon at kooperasyon at sa
pagtangkilik sa rebolusyonaryong sandatahang lakas
at pamahalaan.
e. Ang komite sa kalusugan ay siyang mamamahala sa
siyentipikong panggagamot at kalinisan sa baryo.
Back to top
|