PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
3. Samahan ng mga Mangingisdang Makabayan
a. Ang karamihan sa mga kasapi nito ay mga maralita at
panggitnang mangingisda. Kung minsan, matatagpuan ang mga
samahang pangmangingisda na naitayo na. Ang mga ito'y
maaaring gawing mga rebolusyonaryong samahan.
b. Ang mga tungkulin ng Samahan ng mga Mangingisdang Makabayan ay:
1) pagbuklurin ang lahat ng maralitang
mangingisda, hikayatin ang mga panggitnang
mangingisda at neutralisahin ang mga mayamang
mangingisda sa pakikibaka para sa pambansang
pagpapalaya;
2) magpalitaw ng mga kadre at mga kasapi ng
Partido mula sa mga maralita at panggitnang
mangingisda;
3) labanan ang panggigipit ng malalaking
kapitalista sa pangingisda lalo na ang mga
militaristang Hapones at mga alipuris nila,
malalaking magbabaklad, mga manghuhuthot na
opisyal ng pamahalaan at mga apagsamantalang
komersyante;
4) magdaos ng mga rebolusyonaryong pag-aaral;
5) mangalap ng mga Pulang mandirigma sa hanay nila
at paunlarin ang pakikidigmang pangkaragatan at
iba pang uri ng pakikidigma sa tubig;
6) magpalawak at magpaunlad ng produksiyon at
kooperasyon upang makatulong sa
rebolusyonaryong pakikibaka; at
7) lumahok sa mga aksiyong pangmasa laban sa
imperyalismo, piyudalismo at lahat ng
reaksiyon.
|