PANG-ORGANISASYONG PATNUBAY AT BALANGKAS NG MGA ULAT
Ikalawang Edisyon
Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas
1972
Paunang Salita sa Unang Edisyon
Ipinakikita ng Pang-Organisasyong Patnubay at mga Balangkas ng Ulat sa lahat ng kasapi ng Partido Komunista ng
Pilipinas ang paraan sa pagpapaugat at pngangasiwa ng mga gawain sa batayang antas.
Binibigyang-diin nito sa mga batayang organisasyon at sa kanilang pamunuan ang
pangangailangan ng pagpapadala ng mga ulat sa mga nakatataas
na organo.
Ginawa ng Komite Sentral ang patnubay na ito upang ipatupad ng pambansang pamatnugutan sa Operasyon ng Bagong
Hukbong Bayan at ng anim na hinirang o halal na komiteng panrehiyon ng Partido: Hilagang Luzon, Gitnang Luzon,
Maynila-Rizal, Timog Luzon, Bisaya at Mindanao.
Ang patnubay na ito ay dapat talakayin ng lahat ng sangay at grupo ng Partido, lahat ng iskwad at platun ng
Bagong Hukbong Bayan at lahat ng kadreng nasa mga organo ng
kapangyarihang pampulitika at mga organisasyong pangmasa.
Dapat pag-aralan ng lahat ng kumukuha ng kursong primarya ang paksa ng batayang gawaing pang-organisasyon at
pag-uulat batay sa teksto ng Pang- Organisasyong Patnubay at
mga Balangkas ng Ulat.
Inaasahan ang mga kadre at kasapi ng Partido na magbigay ng mga opinyon at mungkahi tungkol sa lalong
pagpapahusay ng patnubay na ito batay sa kanilang
rebolusyonaryong praktika.
Dapat pag-aralan at ipatupad ang simulain ng demokratikong sentralismo sa ating buhay pang-organisasyon.
Tungkol dito, sumipi tayo sa Artikulo IV ng ating Saligang
Batas:
Seksiyon 1. Ang balangkas ng Partido ay ibabatay sa simulain ng demokratikong sentralismo, ibig sabihi'y
sentralismong nababatay sa demokrasya at demokrasyang
napaiilalim sa sentralisadong pamumuno. Ang mga
batayang kondisyon ay ang mga sumusunod:
a. Ang mga namumunong organo ng Partido sa lahat ng
antas ay ihahalal at may pananagutan sa mga organisasyon o komperensya ng Partido na naghalal
sa kanila.
b. Matapos ang malaya at puspusang talakayan, ang mga desisyon ng Partido ay ipatutupad nang walang
pagtatangi:
1) Ang indibidwal ay napaiilalim sa organisasyon.
2) Ang minorya ay napaiilalim sa mayorya.
3) Ang mababang antas ay napaiilalim sa nakatataas
na antas.
4) Ang lahat ng kasapi ay napaiilalim sa Komite
Sentral at Pambansang Kongreso.
k. Laging
bibigyan ng masusing pansin ng mga namumunong
organo ng Partido ang mga ulat at palagay ng
mga nakababang organo ng Partido at ng masang
kasapi ng Partido at lagi silang magpapaabot ng
maagap na tulong sa paglutas ng mga suliranin.
d. Ang mga nakababang organisasyon ng Partido ay
kailangang magpasok ng mga regular at espesyal na
ulat tungkol sa kanilang gawain sa organisasyong
nakatataas sa kanila at kailangang maagap na
humingi ng tagubilin tungkol sa mga suliraning
nangangailangan ng desisyon ng mas mataas na
organisasyon ng Partido.
e. Lahat ng organisasyon ng Partido ay dapat sumunod
sa simulain ng kolektibong pamumuno at lahat ng
mahahalagang sulirnain ay sama- samang
pagpapasiyahan.
KOMITE SENTRAL
Hunyo 1, 1971
Sandatahan natin ang ating sarili ng di-magagaping Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung!
Back to top
|