MSP-NCR, naglunsad ng asembliya

,

Nagtipon ang mahigit 20 myembro ng balangay ng Makabayang Samahang Pangkalusugan-National Capital Region (MSP-NCR) sa isang sikretong lugar noong Disyembre 6 para ilunsad ang kanilang panrehiyong asembliya. Dumalo dito ang mga manggagawang pangkalusugan sa ospital, nars, duktor, medical technologist, dentista, at mga estudyante sa medisina at pagka-nars.

Ang asembilya ay itinaon ng MSP-NCR sa paggunita sa ika-47 anibersaryo mula nang naitatag ito noong Disyembre 6, 1978.

Sa pagtitipon, pinagtibay ng MSP-NCR ang paninindigan para sa demokratikong rebolusyong bayan sa harap ng labis-labis na pagdurusa ng mamamayang Pilipino. Anito, mahalagang isanib ang lakas ng sektor pangkalusugan sa pakikibaka ng mamamayan para sa pagsusulong ng rebolusyon.

Nabuo rin sa asembliya ang 5-puntong resolusyon para sa pagpapalakas sa pakikibaka nito. Inilabas ang resolusyon sa inilathalang espesyal na isyu ng pahayagang Ang Rebolusyonaryong Lunas.

Ayon sa balangay, mahalagang okasyon ang pagtitipon para sa konsolidasyon ng kasapian ng MSP. Nagbigay-daan ito para makapagbahagi ang mga myembro ng rebolusyonaryong karanasan sa pag-oorganisa at karanasan sa pagbibigay-serbisyo ng MSP na tumugon sa panawagang tumungo sa kanayunan. Dagdag nito, mahalagang hakbang din ang asembilya sa paghahanda sa higit pang konsolidasyon ng MSP sa pambansang saklaw.

MSP-NCR, naglunsad ng asembliya