2 hors de combat, sadyang pinatay ng 47th IB
Sugatan nang naabutan ng mga sundalo ng 47th IB ang mag-asawang Pulang mandirigma na sina Pedro Gemodo, 61, at Juliana Arculo Gemodo, 63, sa Sityo Agpapataw, Barangay Binobohan, Guihulngan City, Negros Oriental noong Enero 31. Sa halip na ituring na mga bihag ng digma at lapatan ng paunang lunas bilang paggalang sa kanilang karapatan, sadyang pinatay ng mga sundalo ang dalawa.
Nasugatan ang mag-asawang Gemodo sa pamamaril ng 47th IB sa pag-atake sa hinihimpilan nilang kubo sa Sityo Agpapataw. Nakatakbo sila papalayo sa pinangyarihan ng insidente ngunit naabutan ng mga berdugo.
Pinarangalan ang dalawa ng BHB-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) sa pagbubuwis nila ng buhay para sa masang Negrosanon.
2 hors de combat, sadyang pinatay ng 47th IB