Imperyalistang pag-atake sa Rojava, kinundena
Mariing kinundena ng panrehiyong komite ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) sa Europe ang papatinding atake laban sa mamamayan ng Rojava na nagsimula noong huling mga linggo ng Enero. Inilalarawan ng ILPS ang nagaganap na opensiba bilang “malubha at tumitinding kampanya ng karahasan, pagpapalikas at kolektibong pagpaparusa” na walang galang sa buhay ng mga sibilyan at batayang dignidad ng tao. Babala nito, nakaamba ang malawakang masaker sa mamamayang Kurdish.
Sa pahayag nito, binigyang diin ng ILPS Europe na ang mga pag-atake sa Rojava. Ayon sa grupo, nakaayon sa mga layunin sa pulitika at militar ng mga makapangyarihang estado sa rehiyon at ng kanilang imperyalistang amo. Iniuugnay ng grupo ang opensiba sa mas malawak na estratehiya ng kooperasyong US-Zionista-Turkish na nakatuon sa paghahari sa West Asia.
Mariing binatikos ng ILPS Europe ang mga gubyerno sa Europe sa pakikipagsabwatan sa opensiba sa pamamagitan ng pagpopondo at pagsuporta sa rehimen at mga armadong grupong sangkot sa pag-atake at pagmasaker sa mamamayang Kurdish.