Mga pambansa-demokratikong grupo, nakiisa sa Venezuela at Palestine
Nagmartsa tungong embahada ng US sa Maynila ang mga pambansa-demokratikong grupo noong Pebrero 6 bilang pakikiisa sa Internasyunal na Araw ng Pagkilos para sa Venezuela at Palestine. Nakatuon ang protesta para panagutin ang imperyalistang US sa agresyon nito sa Venezuela at henosidyo nito at ng Zionistang Israel sa Palestine. Dala nila ang mga panawagang: US, numero Unong Terorista at Itigil ang makinarya ng digmaan ng US!
Samantala, nagprotesta sa Panay ang mga progresibong grupong estudyante noong Pebrero 4 bilang paggunita sa anibesaryo ng pagsiklab ng gerang Pilipino-Amerikano noong 1899. Kinundena nila ang nagpapatuloy na interbensyon ng US sa Pilipinas, sa anyo ng tagibang na mga kasunduan at presensyang militar ng US sa bansa.
Mga pambansa-demokratikong grupo, nakiisa sa Venezuela at Palestine