Mga armadong aksyon ng BHB-Northern Samar
Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Samar (Rodante Urtal Command) ang ilan sa mga armadong aksyon ng mga yunit nito laban sa 19th IB noong Disyembre 2025. Hindi bababa sa tatlong sundalo ng 19th IB ang napatay sa mga ito habang mayroong mga nasugatan.
Sa Las Navas, inambus ng isang yunit ng BHB ang tropa ng 19th IB noong Disyembre 15, 2025 sa Barangay Poponton. Bago nito, binigo ng BHB-Northern Samar ang reyd ng 19th IB sa kampo ng Pulang hukbo sa Barangay Gusaran, Silvino Lobos noong Disyembre 10, 2025. Namartir sa reyd ang isang Pulang mandirigma.
Samantala, iniulat rin nito ang aktibong depensa laban sa 37-elementong yunit ng 19th IB na nagtangkang sumalakay noong Hulyo 22, 2025 sa kampo ng BHB sa Barangay L. Empon, Las Navas. Hindi bababa sa apat na tropa ng 19th IB ang napatay habang walang kaswalti sa yunit ng BHB.