Lipunan at Rebolusyong Pilipino
Unang Kabanata: Pagriripaso sa Kasaysayan ng Pilipinas Read in English Amado Guerrero
IX. Ang Muling Pagtatatag ng Partido Komunista ng PilipinasSa ngayon, ang pinakamakabuluhang pangyayari sa rebolusyong Pilipino ay ang muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa kataas-taasang patnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong. Itinatag uli ang Partido noong Disyembre 26, 1968, pagkaraan ng ilang taon na punahan at pagpuna sa sarili na ginawa ng mga matatanda't batang rebolusyonaryong proletaryo. Sa pagpapatuloy ng Partido Komunista ng Pilipinas sa demokratikong rebolusyon ng bayan sa bago at mas mataas na antas, itinatag uli ang Partido sa teoretikong batayan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong, ang rurok ng rebolusyonaryong ideolohiyang proletaryo sa kasalukuyang panahon. Puspusang pinuna at itinakwil ang kontrarebolusyonaryong rebisyonistang linya nina Lava at Taruc na nanatili sa loob ng mahigit tatlong dekada sa lumang pinagsanib na Partido ng Partido Komunista at Partido Sosyalista. Inilabas ng Partido ang dokumento ng pagwawasto, "Iwasto ang mga Pagkakamali at Muling Buuin ang Partido", at pinagtibay ang Programa Para sa Demokratikong Rebolusyon ng Bayan at ang bagong Konstitusyon ng Partido sa Konggreso ng Muling Pagtatatag. Sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang mga gerilyang bayan ay ginawang Bagong Hukbong Bayan noong Marso 29, 1969. Sa miting ng mga Pulang kumander at mandirigma, itinakwil ang bandidong pangkatin nina Taruc at Sumulong na kontrarebolusyonaryong tira-tirahan ng lumang reaksyonaryong pangkating burges nina Lava at Taruc. Ang mga Pulang kumander at mandirigma ay naglabas ng dokumento ng pagwawasto, "Ang Bagong Hukbong Bayan" at pinagtibay nila ang "Mga Saligang Tuntunin ng Bagong Hukbong Bayan". Mula nang itatag uli ang Partido at buuin ang Bagong Hukbong Bayan, lalong nagpakatraydor ang reaksyonaryong pangkating burges nina Lava sa Maynila at ang bandidong pangkatin nina Taruc at Sumulong. Sa pagpapalala ng reaksyonaryong pangkating burges nina Lava sa kanilang kontrarebolusyonaryong linyang parlamentaryong pakikibaka at pagpapaalipin sa imperyalismong EU at mga lokal na mapagsamantalang uri, binuo nila ang pangkating Monkees-Armeng Bayan-Masaka (Lava) na garapal na pagsunod sa mga pasistang patakaran ng papet na rehimeng Marcos at nagsagawa sila ng maraming brutalidad sa pagtupad sa kanilang linyang mang-intriga sa Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan.8 Sa kabilang banda, inalis na ng bandidong pangkatin nina Taruc at Sumulong ang lahat ng dati nilang pagkukunwari at nagprisinta silang susurender sa papet na rehimeng Marcos sa kondisyong patuloy nilang hahawakan ang kanilang mga maton at nakaw na yaman.9 Patuloy na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka at ang pambansang nagkakaisang prente.10 Mula nang itatag uli ang Partido, magiting at wastong itinataguyod nito ang dakilang pulang bandila ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong at ang pamumuno ng proletaryadong Pilipino sa rebolusyong Pilipino. Hindi na ngayon pwedeng yurakan ng imperyalismong EU, pyudalismo at burukratang kapitalismo ang sambayanang Pilipino nang hindi nahihiwalay at nagagantihan ng di-magagaping rebolusyonaryong kilusang masa ng mga manggagawa, magsasaka, istudyante, intelektwal at lahat ng iba pang makabayan.
__________________________ |
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Multimedia] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. |