Amado Guerrero
"Ang pagsasanib ng Marxista-Leninistang teorya sa praktika ng Pilipinas ay dalawang proseso. Hindi lamang natin sinasamantala ang mga tagumpay na natamo sa ibang bayan nang sa gayo'y magtagumpay sa ating sariling rebolusyon. Kundi umaasa rin tayong maidagdag ang ating sariling tagumpay sa tagumpay ng iba pa at makagawa ng ilang mahalagang kontribusyon sa pagsusulong ng Marxismo-Leninismo at pandaigdigang rebolusyong proletaryo nang sa wakas ay mapapalaya ang sangkatauhan sa pagpapahirap ng imperyalismo at makakapasok sa panahon ng komunismo."
Paunang Salita sa Ikaapat na EdisyonBukod sa Mga Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan, kasama sa edisyong ito ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino, na sinulat ni Amado Guerrero ang mahabang sanaysay na pinamagatang Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin na kanyang inihanda para sa Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas. Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin ay unang lumabas sa unang isyu ng teoretikong publikasyon ng Partido, Rebolusyon, noong Hulyo 1, 1976.
Kung ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino, dahil sa makauring pagsusuri ng kasaysayan ng Pilipinas, ang nagbigay ng pundasyon para sa Marxista-Leninistang pagpapaliwanag ng lipunang Pilipino at batayan nito sa nakaraan; at kung ang Mga Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan ay maningning na kontribusyon sa pag-intindi ng mga partikularidad ng rebolusyong Pilipino, at kung gayon, malaki ang kahalagahan sa pag-unlad ng istratehiya't taktikang angkop sa paglulunsad ng rebolusyonaryong gera sa bayang pulu-pulo tulad ng Pilipinas, tinutukoy naman ng Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin ang mga partikular na tungkulin ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa pagbabagsak ng diktadurang EU-Marcos -- ang pinakamarahas na pagpapahayag ng malakolonyal na paghahari -- para makamit ang demokratikong rebolusyong bayan at matamo ang sosyalismo.
Ang tatlong akdang ito ay napakalinaw na tanda ng patuloy na pagsisikap ng rebolusyonaryong lideratong Pilipino na masapol ang mga partikularidad ng rebolusyong Pilipino, at dapat magkakasama kung gayon.
Nilalagom ng Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin ang napakahalagang aral ng rebolusyonaryong karanasan ng Pilipinas sa kundisyon ng pasistang paniniil ng diktadurang EU-Marcos, at tinutukoy ang pitong kailangang-kailangan gawin para manalo sa buhay-at-kamatayang pakikibaka rito. Ang mga ito ay:
Naisagawa na ng mga myembro ng Partido ang mga tungkuling ito mula nang inilabas Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin. Ang pangunahing rason kung bakit matagumpay na naisagawa ang mga ito ay dahil dinibdib ng mga myembro ng Partido ang pangangailangang pag-aralan ang pabagu-bagong sitwasyon sa lipunang Pilipino, ang mga partikularidad ng pangangailangan, tendensya at obhetibong paninindigan ng iba't ibang uri at sektor, ang angkop na istratehiya't taktika para sa kalunsuran at kanayunan, sa bawat komunidad, distrito at nayon, at sa iba't ibang sektor at uri.
Ang pinakamatingkad nga sa Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin ay ang ditalyadong pagpapartikular nito, ang pagiging maningning na halimbawa -- tulad ng nakikita sa praktika ng nakaraang walong taon -- ng pangangailangang laging magsagawa ng kongkretong pagsusuri ng kongkretong kundisyon. Ang Marxista-Leninistang prinsipyong ito ang nasa pusod ng pananatili at pagsulong ng rebolusyonaryong pwersang Pilipino kahit sa kundisyon ng pinakamabangis na paniniil. Prinsipyo ito na naiintindihan na nang husto at isinasapraktika -- at prinsipyo ito na matatag na ginagawang saligan ng Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin sa paglulunsad ng rebolusyon.
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Multimedia] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. |